Wednesday, October 12, 2005

aksiyon ngayon

Editorial (13Oct05)

NILINAW ng mga eksperto na hindi rin mapapakinabangan ang mga droga o vaccines na inihahanda laban sa napipintong epidemya ng bird flu na maaaring kumalat nang biglaan sa buong daigdig.
Naniniwala ang mga nagsasaliksik na magkaroon ng biglaan mutation o paghuhunos ng bagong strain ng virus kung saan sang-iglap itong kakalat sa buong daigdig na ikamamatay ng may 150 milyong katao mula sa iba't ibang nasyon.
Dahil dito, dapat na makipagtulungan ang lahat ng gobyerno sa “prevention” sa pamamagitan ng pagmumulat at pagpapatupad ng emergency measures upang maiwasan ang pagkalat nito.Batay sa pagsasaliksik, patuloy ang pananalasa ng bird flu at umaangat nang dire-diretso lamang ang paghuhunos kung saan maaari itong tuwirang maging “full blown human influenza” na walang gamot na makapipigil.
Maging ang United States ay nagdodoble kayod kung paano ito mapipigil pero aminado ang kanilang mga ekperto na wala silang magagawa kapag bigla itong umatake sa kasalukuyang panahon.
Pero ang malinaw dito, milyon-milyong manok na ang nililipol upang masugpo ang pagkalat ng bird flu pero hindi pa rin ito mapigil sa pananaklot sa buong daigdig kung saan mahigit nang 60 katao ang namamatay dito. ana'y lumikha ng special task force ang Malacanang na magsusuri, magmomonitor at aaksiyun laban sa bird flu.
Sana'y gawin ito, hindi bukas—kundi NGAYON!
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home