Friday, December 02, 2005

atras sa Iraq, buwis (03dis05)

Bistado—03dis05

HEAD:

AATRAS na ang mga sundalo ng Bulgaria at Ukraine mula sa Iraq.
Nakahalata na sila sa PANG-UUTO ng mga KANO.

---$$---
PUMAYAG na si DENR Sec.Mike Defensor na ipatupad ang total LOG BAN sa isla ng SAMAR.
Huhhh, papayag ba siyang MATUNAW ang DAMBUHALANG PADULAS?

-----$$---
TAKAM-NA-TAKAM ang World Bank – International Monetary Fund (WB-IMF) sa bilyon-bilyong dollar remittances ng mga OFWs.
Dugo ang PINOY ang kanilang SINUSUPSOP.
Pweeeee!

----$$$--
BINARIL at napatay ang isang radio commentator at newspaper columnist na si George Benaojan, 27 ng Cebu City.
Huhhh, talagang nililipol ang ating mga KABARO.

----$$--
INIREREKLAMO ang isang alyas RICO na nagbigay ng pahintulot sa isang VENDOR na gamitin ang BANGKETA NA DINARAANAN ng mga LUMPO sa Hidalgo St. cor. P. Gomez St. sa Quiapo, Maynila.
Nakapagtatakang kinukunsinte ito ni Adil Khan na hepe ng Manila Hawkers na nasa ilalim ni Manila Mayor Lito Atienza.
Magkano kaya, Meyor?
Aba aksiyunan ninyo yan?

-----$$--
DAPAT din kumilos ditto ang mga opisyales ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang ipa-REVOKE ang permiso na ibinigay ng Manila Hawkers para pagtindahan ng VENDORS NG PRUTAS ang “DAAN PARA SA WHEEL CHAIR”.
Meyor Lito, pakiimbestigahan mo nga kung sino ang mga NAGKAKUWARTA sa ganyang PAGLABAG SA BATAS?
May proteksiyon sa batas ang mga LUMPO, pero sa Maynila—BINABALEWALA ito.
Bwusettttt.

-----$$--
NAKAUMANG na ang tag-araw, pwede na uling linisin ang mga KANAL at ESTERO.
Kung kalian kasi nasa kasagsagan ang tag-ulan saka naglilinis ng BASURA ang mga kolokoy.

-----$$--
GUGUWARDIYAHAN daw ng isang special force ng PNP si ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.
He, he, he, na-LIBRE pa ang BODYGUARDS ng Kumag.

---30---

EDITORIAL

HEAD:

ISANG paniwalaan-dili ngayon ang nagaganap sa Bureau of Internal Revenue (BIR) mula nang magbibitiw si Commissioner Guillermo Parayno at pumalit si Jose Mario Buñag.
Isipin mong nagtala ng surplus na P3 bilyong koleksiyon at napaliit sa P8 bilyon ang mahigit P11 bilyong inaaasahang deficit sa taong ito.
Nakasalalay sa kamay ni Buñag ang ikapagtatagumpay na implementasyon ng Expanded Value Added Tax (EVAT) pero bago man ito maipatupad nalampasan na ang target koleksiyon noong Agosto.
Sa ngayon ay lumakas na ang PISO kung saan napaabot na lamang ito sa mahigit P53 kada dolyar higit sa P54 hanggang P55 sa kainitan ng kaguluhang political matapos ang 2004 election.
Nakasalalay ang 80 porsiyento ng tax collection sa BIR at 20 porsiyento sa Bureau of Customs at iba pang tax collecting agencies kaya’t ang magandang performance ngayon ng rentas internas ang mismong nagpapalakas ng pag-asa na maabot ang target na kabuuang P547 bilyong buwis sa taong ito..
Sakaling lumakas ang piso, malaki ang ibaba ng presyo ng inaangkat na produktong petrolyo na ginagamit naman sa pagseserbisyo ng kuryente kaya’t walang duda na bababa na rin ang singil ng Meralco at electric cooperatives.
Siyempre, makakasunod sa pagbaba ang presyo ng mga bilihin at iba pang serbisyo.
Ipagdasal nating magpatuloy ang mabuting koleksiyon ng buwis at doblehin din natin ang panalangin na huwag sanang NAKAWIN ng mga BUWAYA sa pamahalaan ang kuwartang ibinubuwis ng taumbayan.
Kahit paano, nakasisiwang at nakasisilip tayo ng pag-asa sa hinaharap.
Isang magandang regalo ito sa sambayanang Pinoy ngayong Kapaskuhan.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home