Saturday, December 03, 2005

US, DOLYAR (04dis05)

Bistado—04dis05

Head: Kano

DEDBOL ang 10 us Marines sa Iraq at 11 pa ang sugatan.
Behh, buti nga.

----$$--
NAGDUDUDA ang Arab nations sa MOTIBO ng US sa pagkubkob sa Baghdad.
He, he, he, NABISTO sila na nais nilang KONTROLIN ang OIL SUPPLY.

----$$--
NAHULOG sa sarili niyang KABAYO ang equestrian na si Mikee Cojuangco- Jaworski.
Hindi po DUDUT ang pangalan ng KABAYO.

-----$$---
UMIINIT ang MEDIA WAR ng Thailand at host-Philippines kaugnay ng LUTUAN SA RESULTA ng mga laro sa 23rd SEAGames.
Iyan mo ang tinatawag na LUTONG-MAYNILA.

----$$---
MABABAW na pundasyon daw ang DOLLAR REMITTANCES ng OFWs sa katatagan ng EKONOMIYA.
Eh alin ang mas matibay?
Ang dolyar ng SMUGGLERS, GAMBLING LORDS at ILLEGAL DRUGS TRAFFICKERS?

-----$$--
HINATULAN ng Court Martial ng dalawang taong HARD LABOR si Maj. Gen. Carlos Garcia dahil sa pagkakaroon ng US GREENCARD at maling Statements of Assets and Liabilities.
Maaari pang PWEDENG MAHATULAN.

----$$--
BABAWIIN na ni DENR Sec. Mike Defensor ang permiso na ibinigay sa LOGGING FIRM ni Sen. Juan Ponce Enrile na papanot sa kabundukan ng SAMAR.
Kunwari.

----$$$--
PINABABANTAYAN ng NTC ang “Chatrooms” sa Cable Television.
Baka daw ditto magsimula ang CYBER REVOLUTION.

----$$--
INAASAHANG tataas na naman ang PRESYO NG LANGIS dahil sa nalalapit na WINTER SEASON sa America.
Nanangkupooooo!

----$$$---
GINAWARAN ng gold medal ang isang Pinoy inventor na nakatuklas ng PANTAPAL na herbal sa SKIN CANCER.
Isang malaking TAGUMPAY ito ni MANG KEPWENG.

-----30—

editorial

head: Dolyares

MINAMALIIT ng World Bank ang $12 bilyong remittances ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa pagsasabing hindi ito matatag na pundasyon sa isang maunlad na ekonomiya.
Isang malaking panloloko ito ng World Bank dahil magmula ng ikadena ng WB at International Monetary Fund (IMF) ang Pilipinas sa kanilang mga regulasyon hindi ito nakaahon sa pagkakalubog sa utang.
Kapag pinaniwalaan natin ang WB-IMF patuloy tayong didiktahan ng mga hinayupak na international financing institusyon na tuwirang nanggugulo sa estabilidad n gating bansa.
Nasorpresa kasi ang WB-IMF dahil sa kabila ng kaguluhang political na itinanim ng mga US spies sa loob ng burukrasya, paglobo ng oil price sanhi ng pananakop ng US sa Iraq; at baliktaktakan sa 2004 election; at banta ng bird flu ay nananatiling UMIISKOR ang PISO KONTRA DOLYAR.
Iisa ang alam nilang dahilan kung bakit hindi nila makontrol ngayon ang Pilipinas—BILYONG DOLYAR mula saw along milyong OFWs.
Sa ngayon, higit na malaki ang dollar remittances ng OFWs kaysa sa electronic product exports kaya’t maituturing na No.1 ang EXPORT COMMODITY ang OFWs.
Bagaman, nakalulungkot na mistulang paninda sa palengke ang OFWs pero wala tayong magagawa kasi’y ito ang HINIHINGI ng modernong henerasyon kaysa naman paalipin tayo sa dikta ng WB-IMF na espiya ng Amerika.
Bumabaha na ngayon ang dolyar kasi’y nagbabalik-bayan ang mga OFWs at nagpapadala na rin sila ng X’MAS money sa loob ng bansa.
Iyan ang hindi mapaniwalaan ng mga dayuhan!
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home