Wednesday, May 03, 2006

Giyera sa Spratlys

APAT na mangingisdang Tsino ang napatay at nasugatan ang tatlo nilang kasamahan matapos pagbabarilin habang nangingisda sa paligid ng pinag-aawayang Spratlys.
Hinihinala ng mga Tsino na mga Pinoy ang umatake sa kanila pero ayon sa isang eksperto sa naturang teritoryo, maaaring mga pirata ang may kagagawan ng insidente pero hindi maaaring akusahan lamang ang mga Filipino kasi'y may mga pirata din sa naturang teritoryo ang nagmula sa Malaysia at iba pang lugar.
Hiniling nga China na imbestigahan ng Pilipinas ang naturang kaso upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagkakapatay sa mga Chinese fisherman.
Dapat ay maging mahinahon ang China sa pagresolba sa insidente dahil hindi malayong dito magsimula ang digmaan.
Bukod sa Pilipinas, inaangkin ang mahigit 100 isla ng Malaysia, Indonesia, Brunei, Vietnam at Taiwan.
Pinaniniwalaang may mina ng petrolyo ang naturang lugar at mayaman din ito sa likas ng yaman ng karagatan.
Ipagdasal nating maayos na mapayapa ang naturang isyu upang hindi magkabuhol-buhol pa ang problema sa ating bansa.
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home