Thursday, May 04, 2006

Journalist nalilipol

(for Bulgar, May 06 issue)

PAHIYA na naman ang Malacanang sa PP 1017.
Dapat nang mag-resign ang mga LEGAL ADVISERS ni Ate Glo.
Napaka-KAPALMUKS ng mga kolokoy.

----$$--
POPULAR na popular ang Pilipinas sa bilang ng PINAKAMARAMING bilang ng natetepok na journalist.
Hindi pa kasama diyan ang mga INAATAKE sa PUSO.
At inaatake ng mga No.1 dahil sa mga No.2.

----$$--
WALANG talab ang Labor Day rally.
Maingay lang ang oposisyon pero walang binatnat.

----$$-
ANG sobrang kahinaan ng OPOSISYON ang NAGPAPALAKAS kay Ate Glo.
Kay buwenas ni GMA—kasi’y walang mahusay na lider ang kanyang mga kalaban sa politika.
Mga duwag MAKULONG kasi.

---$$--
KAPAG mga duwag ang mga lider—talagang hindi makakamit ang IPINAKIKIPAGLABAN.
Mas dapat na MANAHIMIK na lang sila.

-----$$--
SABI noon ng PAGASA Weather station ay MAAGA raw ang TAG-ULAN.
Eh, napakainit ng sinag ng araw.
Hindi sila nalalayo kay MADAME AURING.

---$$-
MINAMALIIT ng kampo ni Manny Pacquiao si Oscar Larios.
Alalahanin ninyo: Ang maliliit ang nakapupuwing!

----$$--
HULAAN ninyo bakit takot si Pacman na magbalik sa US.
Hinihintay kasi siya DOON ng kanyang “biyenan-biyenan”.
Kapag “babae” mahina ang kanyang “tuhod”.

----$$--
ISASAPELIKULA ang buhay ni Pacquiao.
Kaya’t nagiging masyado siyang EXCITED.
Masisira ng showbiz ang kanyang boxing career.
Sayang.
Baka matulad lang siya kay Max Alvarado.

----$$--
KAKANDIDATO raw si Manny Pacquiao.
Kaya pala NATATAKOT na si US Prez George Bush.
---30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home