Thursday, May 04, 2006

Korte Suprema takot

HALATADONG “malasado” pa rin ang hatol ng Korte Suprema kaugnay ng Presidential Proclamation 1017 na nagsasailalim sa State of Emergency sa bansa.
Hindi naman tuwirang tinukoy ng Korte Suprema na paglabag sa batas ang naturang deklarasyon.
Mainam sana’y lantarang ipinahayag ng mga mahistrado na illegal ito pero tipong idinepensa pa ng mga ito ang ilang probisyon.
Nakapanghihinayang ang ginawang diskarteng ito ng Korte Suprema na imbes na mapabilib ang publiko ay nahahalatang “may lihim” na takot pa rin sa Malacanang.
Sinasayang ng mga mahistrado ang pagkakataon na maging HULING PAG-ASA ng mga mamamayan sa pang-aalipin ng mga naghaharing uri sa ating lipunan.
Kung ang mga mahistrado ay “natatakot” na ilantad ang tunay na saloobin, paano pa maglalakas ng loob ang ordinaryong Pinoy na isigaw ang kanilang kaapihan.
Sana’y matuto ang Korte Suprema na magdesisyon nang “walang kinatatakutan at prinoproteksiyunan”.
O, baka natatakot din sila na maaresto o ma-SALVAGE?
-----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home