Wednesday, May 03, 2006

SINUWAY ng Malacanang ang utos ng Korte Suprema kaugnay ng E0 464.
Talagang MATIGAS na ang kanilang buto.

-----$$$---
MAGBABAWAS na ang US ng tropa sa Iraq.
Nababahag na ang kanilang BUNTOT.

----$$--
AKTUWAL na bumubuwelo ang US sa pagsalakay sa Iran.
Iyan ang PATIBONG ni Saddam.

----$$$---
KAPAG nilusob ng US ang Iran, bobombahin ng Tehran ang Jerusalem.
Iyan ang hudyat ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig.

----$$--
NAGRIRIGODON na kasi ang mga national leaders sa pakikipag-usap sa iba't ibang bansa.
Malinaw na INDICATORS yan ng MANIOBRA sa giyera.

----$$--
LUMOBO ang presyo ng petrolyo dahil paregong nag-ISTAK ang US at China.
Panibagong indikasyon ng napipinting DIGMAAN.[]


-----$$--
KAPAG ay maghanda rin ang Pilipinas sa posibilidad ng isang digmaan.
Pero, NAUUBOS ang kanilang oras sa ChaCha.

----$$--
KAPAG nagiyera, mababalewala ang Konstitusyon dahil MAKUBKOB ng China ang Maynila.
Puro tsekwa ang titira sa Malacanang.

-----$$--
PINAGBABARIL at napatay ang apat na Chinese fisherman sa Spratlys.
Hindi malayong maging ALIBI ito ng China upang KUBKUBIN ang Spratlys.
Sino ang PAPALAG?

-----$$--
KAPAG pumutok ang Iran-US-Israel war, papasukin na ng China ang Taiwan.
Malinaw na damay dito ang Pilipinas partikular ang Ilocos, Pangasinan at Palawan.

---$$---
HINDI lang ang mga bansa ang masalimuot ang sitwasyon sa year 2006 , kundi ang mga PAMILYA at indibidwal.
Iyan mismo ang IPINAHIHIWATIG ng “mahiwagang No.8”--may kontrol sa taong ito.
-----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home