Friday, May 26, 2006

Bush, Blair: TAMA

(fot BULGAR, May 27 issue)

INAMIN nina US President George Bush at Prime Minister Tony Blair na batbat ng pagkakamali at lihis ang mga pamamaraan na ginamit nila sa pananakop sa Iraq.
Ipinahayag nina Bush at Blair ang mga ito nang may halo pang pagyayabang dahil ipinagmamalaki pa rin nila na tumpak ang kanilang desisyon pero mali lang ang sistema.
Tumpak ang desisyon para sa kapakanan lamang ng mga Kano at Briton pero sa paggalang sa karapatang pantao at soberaniya ng isang bansa ay mali at kasumpa-sumpa.
Inaakala ng magkarantsong sina Bush at Blair na ang buong mundo ay pinaninirahan lamang ng mga Kano at Briton ay hindi nila iginagalang ang pagkatao ng bawat lahi at pagkabansa ng mga nasyon sa buong mundo.
Kahiya-hiyang inaamin din ng dalawang may “topak” na libo-libong inosenteng sibilyan ang kanilang napatay at hindi man lamang sila nakukonsensiya.
Ang ganitong klase ng mga lider sa mundo ay hindi nalayo kay Hitler kaya’t mapaparusahan sila sa record ng kasaysayan sa mga susunod na henerasyon.
Malinaw na “MALAKING ANG TAMA” nina Bush at Blair.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home