Friday, May 26, 2006

Nabuntis ni Pacman

(for:BULGAR, May 27 issue)

HANDANG magsilbing SUICIDE BOMBERS ang mga Iranian.
Mas mainam kung SABAY-SABAY silang lahat.
Madudurog din ang katabing Iraq.

----$$--
ISANG bank manager ang nahatulan dahil sa MONEY LAUNDERING.
Huhh, napakislot ang puwet ni Pareng Erap?

---$$--
INAMIN nina US Prez George Bush at Britain Prime Minister Tony Blair na natatalo sila sa giyera sa Iraq.
Pero ayaw pa nilang UMATRAS.
Sige lang, antayin ninyong mabangkarote ang London at Washington.

----$$--
IDINEPENSA ni AFP Chief Generoso SENGA ang pag-aresto sa “Erap 5”.
Loyal kasi siya kay Ate Glo pero hindi sa KONSTITUSYON?

----$$--
INATAKE sa puso ang isang kongresista na PUMIRMA sa impeachment complaint pero hindi NAGPAKITA sa araw ng BOTOHAN.
Eh, di NAKARMA siya.

----$$--
TATANGGAP si Manny Pacquiao ng $3 million kontra sa 3rd match kay Erik Morales.
Nanangkupooooo, kaylaking KAYAMANAN.
Darami ang babaeng “magsasabing nabuntis” din ni Pacman.

----$$$--
KAPAG nagging $10 million ang kobransa ng Pacquiao ay tiyak na mas delikado.
Baka pati si Rod Nazario ay “NABUNTIS” din niya.

---$$--
HINDI raw tatanggapin ni Susan Roces ang POSTHUMOUS award ni FPJ bilang national artist.
Siyempre, hindi naman siya ang AWARDEE e.

----$$$--
KUMAKAIN ng alikabok sa chessboard ang RP Chess Team sa 37th Chess Olympiad sa Turin, Italy.
Kailangan nila ang tulong ni Darna.

----$$--
NAGSIMULA nang mag-usap ang mga Kongresista at mga senador kaugnay sa ChaCha.
Kaya pala pinakyaw na ang mga ENVELOP sa Divisoria.

----30-

0 Comments:

Post a Comment

<< Home