Tuesday, January 31, 2006

Eh, VAT?

MISTULANG magsisimula na ang kuwaresma sa araw na ito sa pag-iral ng nirebisang 12 percent Value Added Tax (VAT) na maghuhudyat ng paglobo ng presyo ng mga pangunahing bilihin, bayad sa serbisyo tulad ng kuryente, tubig, pasahe at matrikula; at ang pagsasarado ng maraming g kumpanya.
Ang Revised EVAT (ayaw bansagang expanded EVAT dahil negatibo ang konotasyon kuno) ay magsisilbing pako sa kabaong na maghahatid sa huling hantungan sa matatagal nang nagdarahop at nagugutom na Pinoy.
Kung nakakaabsuwelto man ang ilang kumpanya na gumagapang sa paghihikahos, hindi na sila makakaligtas ngayon sa RVAT dahil walang duda magsasarado sila at mawawalan naman ng trabaho ang libo-libong obrero.
Mabubuhay at mananatili lang may trabaho ngayon kung hindi man biglang yayaman ay ang mga opisyal ng mga tax collecting agencies tulad tulad ng BIR dahil maaari silang alukin ng PADULAS upang magoyo ang gobyerno sa pinalobong buwis.
Sakaling magsarado ang maraming negosyo at tumumal ang transaksiyon sa merkado, hindi rin makakakolekta ng malaking buwis ang gobyerno na siyang magpapatunay na ang mga batas na nagpapairal ng karagdagang buwis sa mamamayan ay hindi MABISA at walang silbi bagkus magpapalala ito ng krisis sa ekonomiya.
Kumbaga, sa negosyanteng si Beho: “Di bale, balya, balya lang tubo, basta andal lang negosyo akyen”.
Kapag maliit lang ang buwis, darami ang negosyante na magpapasigla sa ekonomiya.
Alin ang mas epektib?
Maliit na buwis mula sa milyon milyong negosyante o isang MILYONG PISONG buwis mula sa kakarampot na negosyo?
He, he, he, simpleng matimatiks lang yannnn!
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home