Monday, January 30, 2006

Five dollars lang

NAKAKATUWA ang desisyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) na i-exempt ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa pagbabayag ng $5 security fee na gagamitin upang mapagbuti ang seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nakapagpasok ng tinatayang $20 bilyong remittances ang OFWs kaya’t Dapat lamang silang maingatan sa pagbibiyahe sa iba’t ibang panig ng bansa dahil kung hindi mapagbubuti ang kanilang seguridad maraming Pinoy ang matatakot na bumihaye at magtrabaho sa ibang bansa.
Ayon kay MIAA General Manager Alfonso Cusi, bukod sa $5 security fee, exempted din sa terminal fee at travel tax ang OFWs na siyang sumagip sa pagkabangkarote n gating ekonomiya sa nagdaang taon kung saan nagging aktibo ang destabilisasyon.
Nakapagtatakang kinokontra ng Airline Operators Council (AOC) ang naturang $5 security fee gayung gagamitin ito upang mailigtas sa atake ng terorista ang mga pasaherong Pinoy na karaniwang ditto ay mga OFWs nagpaparoon at parito sa iba’t ibang bansa.
Nilinaw ng International Air Transportation Asssociation (IATA) na ipinatupad ang security fee mula nang maganap ang kalagim-lagim na 9/11 terrorist attack sa New York kaya’t ipinaiiral din ito sa United States, Hong Kong at Singapore.
Dahil sa pagkontra ng AOC na mapagbuti ang seguridad sa airport, hindi malayong masisi sila ng taumbayan sakaling umatake ang mga terorista sa mga alanganing panahon.
Ang prebensiyon o pagiging alerto sa bawat oras at araw ay siyang pinakamabisang pangkontra sa lahat ng klase ng terorismo.
Kailangan pa bang umatake ang mga hijackers, bago tayo kumilos laban sa terorismo?
At kailangan nating protektahan ang milyon-milyong OFWs na pundasyon ngayon ng ekonomiya n gating bansa.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home