Saturday, May 27, 2006

Trahedya

(for BULGAR, May 29 issue)

TINATAYANG hihigit pa sa 2,000 katao ang namatay sa Intensity 6 earthquake sa Indonesia sa isang lugar na malapit din sa naga-alburutong bulkan.
Marami rin ang sugatan at nasira ang mga ari-arian.
Nag-panic din ang mga residente sa takot na maulit ang nakaririmarim na tsunami.
Sa Pilipinas, matagal nang hindi nakakaranas ng malalakas na lindol ang bansa mula nang gumuho ang malalaking hotel sa Baguio City at isang eskuwelahan sa Cabanatuan City.
Wala ring nararanasan tsunami sa alinmang dalampasigan ng archipelago.
Kalmante rin ang mga bulkan at walang nagngangalit tulad ng Mount Pinatubo.
Pero, hindi tayo dapat makalmante dahil ang pananaklot ng trahedya ay dumarating na tulad ng isang pagnanakaw ( huh, araw-araw din dumarami ang magnanakaw sa sobrang pagdarahop).
Mya trahedya man o wala, dapat ay lagging maging handa ang Pilipinas sa ganitong mga pangyayari at regular na iniimbentaryo ang mga relief and rescue operation equipments; o sinusuri ang mga sitwasyon upang hindi gaanong makaapekto ito sa populasyon.
Ang kalamidad ay bahagi na ng buhay ng tao,tulad din ng mga pang-araw-araw na problema sa hapag-kainan.
Kumbaga, iba na ang lagging handa!
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home