Saturday, May 27, 2006

LA-ri-OS

(for BULGAR, May 28 issue)

ISA pang Bayan Muna leader ang dinukot sa Makati City ng mga hinihinalang operatiba ng ISAFP.
Hindi kaya siya ang narinig at nakita ng “Erap 5” na kinakatay?

----$$--
SINALUBONG si Mountain climber Romi Garduce nang MISTULANG BAYANI.
Bayani ng GMA-7.

----$$--
SASAGUPAIN ni Sen. Lito Lapid si Makati City Mayor Jejomar Binay sa 2007 elections.
Tatabo ditto nang husto ang mga VOTE SELLERS.

----$$-
KUKUHA ng may 5,000 bagong guro ang mga PUBLIC SCHOOLS.
Watyuseyyyyyy?

----$$--
TINORTIYUR daw ang Erap Five.
Pasalamat sila’t magkakasama pa ang PIYESA ng kanilang katawan.
As of POSTIME.

---$$-
TUMABO raw ang SSS ng P2 bilyon sa first quarter.
Kayrami na naman nilang MADARAMBONG sa mga obrero.

----$$--
DIFFERENT Oscar Larios daw ang makakaharap ni Manny Pacquiao.
Baka naman mabubura ang “RI” mula sa LA-ri-OS!

----$$--
KINAKAPOS ng “hininga” ang RP Chess Team sa 37th World Olympiad sa Italy.
Aba, hagisan na ninyo ng TUWALYA!

----$$---
HINIMOK ni Mahathir Muhamad ng Malaysia ang EAST ASIA nations na labanan ang European union at US sa pagkontrol ng ekonomiya ng kontinente.
Naniniwala si Mahathir na pawing may UTAK “CONQUEROR” ang mga Kano at European nations.
Dapat pakinggan ng mga Asyano si Mahathir na kumokontra sa mga KANO.

----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home