Ang kapitbahay, bow
(for BULGAR, May 28 issue)
DAPAT magbuklod ang mga East Asian nations kasama ang India, China at Japan upang makadepensa kontra sa pagkontrol ng mga European nations, US at mga kaalyado nito.
Ito ang paninindigan ni dating Malaysia Prime Minister Mahathir Mohamad na nagsasabi ring hindi dapat isali ang Australia at New Zealand sa grupo dahil ang mga ito ay TUTA ng mga Kano.
Naniniwala si Mahathir na nanatili pa rin sa mga taga-Europe at US ang ideolohiya ng PANANAKOP sa kapwa bansa imbes na ipatupad ang patas na transaksiyon sa ekonomiya.
“Ang mga Asyano ay simpleng gusto lang magnegosyo at umunlad ang ekonomiya, pero ang mga Kano at Europeo ay may UTAK-PULBURA at pagiging MANANAKOP kaya’t mawawasak lamang nito ang ating mga bansa,” wika ni Mahathir.
Napakalinaw ng direksiyon na nais ni Mahathir na dapat yakapin ng East Asian nations sa pagbubuklod ng ekonomiya.
Sakaling magkasundo ang ating mga kalapit na bansa, walang duda na makakatakas ang Pilipinas mula sa pambubusabos ng mga Kano.
Sakaling iwanan na tayo ng mga Kano, matatahimik na rin ang ating gobyerno at lipunan—na lihim na nais sakupin o kontrolin ng United States.
Sa totoo ang, ang mga Kano ang tunay na naghahasik ng gulo at lagim sa Mindanao dahil batay sa pagsasaliksik, sila mismo ang nagsanay sa mga orihinal na miyembro ng Abu Sayyaf.
At ang dambuhalang MINA NG LANGIS sa Mindanao ang nais makontrol ng mga Kano sakaling makalaya sila na ma-EXPLORE ito o ma-EXPLOIT.
Kumbaga, mahalin natin ang ating mga KAPITBAHAY—sila ang tunay na makakatulong sa ating kagipitan, lalo na kapag may “sunog”.
----30--

0 Comments:
Post a Comment
<< Home