Wednesday, December 20, 2006

Circus sa Malacanang

(Bulgar newspaper, 22dec06)

MALOLOKA si Lola Madyenta!
Isipin mong nagsirko-sirko na naman si Ate Glo.
Taliwas na taliwas bago mag-Prayer Rally ang mga Catholic bishops sa Luneta, binigyan-diin naman ngayon ni Ate Glo tuloy na tuloy na tuloy ang Charter Change.
May ulat na nakikipagkutsaba pa ngayon ang Comelec para makapagtayo ng “signatures booth” ang SIGAW at ULAP para sa pagbuhay ng ikalawang People's Initiative.
Nabunyag din na awtomatikong kukunin sa archieves ang Con-Ass resolution kasi'y itinuturing itong “incomplete” at hindi kasama sa sinasabing nakalibing nang panukalang batas.
Napakalinaw na garapalang panloloko ito.
Anong klase ng agimat, bertud o “powers” mayroon si Ate Glo --“walang kahiya-hiya” siya nagsisirko-sirko sa gitna ng Kapaskuhan?
Ito kaya ay dahil natitiyak niyang nasa likod niya ang buong puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Dedma lang siya sa resulta ng mga survey na 20 porsiyento na lamang ng populasyon ang may “tiwala” sa kanya.
Scientifically, mathematically o geometrically speaking, siyempre 80 PORSIYENTO rin ng opisyal at enlisted personnel sa AFP—ay wala na ring tiwala sa kanya.
Sintido-kumon yan-- na ayaw niyang paniwalaan.
Ayaw niyang paniwalaan na nag-aantay lang ng tayming ang mga nag-aalbururong damdamin ng mga “maka-Konstitusyon” na sundalo!
Sa totoo lang, ang sobrang tiwala ni Pareng Erap at dating Pangulong Marcos na “loyal” sa kanila ang AFP—ang siyang NAGPABAGSAK sa kanila sa poder.
Huwag nang pag-usapan yan o huwag nang pagdebatehan ang loyalty ng mga sundalo kay Ate Glo—dahil masalimuot yan.
Eto ang napakahalagang tanong: Siyento-porsiyento ba na ang mga sundalo ay LOYAL kay AFP Chief Hermogenes Esperon na isang “Hello Garci general”?
Kailangang masagot yan, bago gunawin ng puwersa ni Amaya ang Antartika!
------30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home