Monday, December 18, 2006

Babatukan ang sarili(Bulgar,20dec06)

APAT na parak ang tinepok ng NPA sa Masbate!
Isang MADUGONG PASKO ini.

---$$$--
PEKE raw ang stub na magbibigay ng REGALO si Sen. Frank Drilon.
Okey lang, hindi rin naman TOTOONG MAHIHIRAP ang nabigyan ng tiket.

-----$$$---
HINDI napuno ang LUNETA sa Prayer Rally.
Baka NAMAMASKO sa probinsiya ang mga anti-CHACHA.

----$$$--
SASALI raw si Ate Glo sa KONSEPTO ng mga Catholic bishops.
Pababagsakin din niya ang Malacanang?

-----$$$--
AYON kay Sen. Ed Angara, siya raw ang MAMUMUNO sa senatorial ticket ng oposisyon.
Para KUMITA uli siya?

-----$$--
SUMISIKAT naman si ex-agent Martin Soriano ng NBI.
Baka may NATAPAKAN.

-----$$$---
BINABANTAYAN ang mga sundalo ng kapwa sundalo.
Oppp, wag kayong MAGBABARILAN hah?

-----$$$--
NATAHIMIK na ang imbestigasyon sa pagkasunog ng kotse ni Rep. Dudut.
Baka na-WOW MALI lang siya!

-----$$$---
PAPALITAN daw si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Butch Ramirez.
Mali yan.
Mas TUMPAK na BUWAGIN mismo ang PSC.

----$$$---
ITATAYO daw ang "GREEN CHURCH" sa Smokey Mountain gamit ang mga RECYCLED MATERIALS.
Gagamitin din sa SERMON ang mga PARI ng mga "GREEN JOKES".

----$$$---
BUBUO na ng senatorial ticket ang Adminitrasyon.
Wala pang nagbo-VOLUNTEER.

-----$$$---
MAY papalapit na isa pang BAGYO.
Ooops, nag-warning agad ang Philvolcs sa LAHAR flows sa Bicol.
He, he, he!

----$$$---
NAGTAGUMPAY ang isang "hand transplant" sa US.
Hindi malinaw kung kamay ng "babae" ang naikabit sa isang "lalaki".
Kapag kasi dumidyinggel ang pasyente--AYAW DAW BITIWAN ng "bagong kamay" ang kanyang si Manoy.
Baka naman ang donor ay isang BAKLA.

-----$$$---
GINAGAMIT na sa US bilang fuel sa eroplano ang LIQUID COAL.
Huhhhh, marami niyan sa Pilipinas.

----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home