Tuesday, December 19, 2006

Mabait o bopol?

(Bulgar newspaper, 21dec06)

KINANSELA ang unang araw ng deliberasyon ng Constitutional Convention sa House of Representatives.
Hindi po dahil sa utos ni Ate Glo.
Kundi dahil po sa NECROLOGICAL SERVICE ng isa nilang KASAMAHAN.
Malagim ang CHACHA!

----$$$---
MAGTATAAS ng singil ang MANILA WATERS simula sa Enero 1.
Hindi masaya ang BAGONG TAON.

----$$$--
TUMOTODO ang lakas ng PISO kontra dolyar.
Halos nakadikit na ang palitan sa P48 kada dolyar.
Nakikiramay po tayo sa mga EXPORTERS.

-----$$---
UMIWAS ang bagyong si TOMAS mula sa bisinidad ng Pilipinas.
Baka NATAKOT na ma-ASSASSINATE siya.

----$$$---
LIHIM na ikinatuwa ni Vice President Noli de Castro ang pagkakabasura ng CON-ASS at PEOPLE'S INITIATIVE.
Simpleng biktima siya ng mga TRAYDOR niyang kasamahan sa administrasyon.

-----$$$---
ISIPIN mong SINISIBAK si Kabayan bilang BISE PRESIDENTE—pero NAKATUNGANGA lang siya.
Sobrang bait ba siya o simpleng “MAHINA ANG KUKOTE”?

-----$$$---
NAGSIMULA nang dumampot ng mga suspect ang PNP kaugnay ng pagpatay kay Rep. Luis Berasmin ng Abra.
Pero pinakawawalan din kapag hindi “naituro” ng mga testigo.
Ngekk, paano kong “nakamukha” lang?
Kaawa-awa naman.

----$$$---
MALAPIT na rin magkaroon ng civil war sa Lebanon, Palestine at Sri Lanka.
Hindi kaya sumunod dito ang Pilipinas?
-----$$$---
BABAHA na naman ang kuwarta sa Pilipinas dahil sa eleksiyon.
Campaign funds na mula sa mga smugglers, drug lord at gambling lord.

-----$$$---
MALAYANG MALAYA ang operasyon ng jueteng.
Siyempre, may eleksiyon yata!

----$$$---
PINAYAGAN na rin ng Korte Suprema na magtaas ng singil ang Meralco.
Pukawnamoooo!
-----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home