Monday, December 18, 2006

Talinghaga (Bulgar,20dec06)

MAHIRAP talagang ispelingin si Ate Glo.
Talagang iniinsulto nito ang "katinuan" ng ordinaryong Pinoy.
Isipin mong mistulang inuuto o inuuyam ng Malacanang ang mga mga religious leaders ng Prayer Rally sa Luneta.
Sa isang opisyal na pahayag kasi ay idineklara ni Ate Glo na "sasama" siya sa rally kung saan ibinubunsod ang "Character Change" imbes na Charter Change.
Mukhang mahina ang kukote ng mga advisers ng Malacanang.
Hindi sila marunong "bumasa" sa likod ng mga pagkilos at pahayag.
Hindi nila na-get na ang tinutukoy sa "character change" ay hindi ang mismong character ng buong populasyon--kundi ang simpleng "character" lamang mismo ng isang tao--ni Ate Glo.
Ibig sabihin, ang dasal o prayer rally ay simbolo o kasangkapan lamang ng Simbahan upang hindi gaanong mainsulto si Ate Glo sa pagsasabing: MADAME PRESIDENT, MAGBAGO KA NA NG ASAL MO!
Kumbaga sa parliamentary rules, inia-address na honorable o ginagamit ang third person sa kausap na kapwa mambabatas upang makaiwas sa "personalan".
Ganyan din ang "porma" ng Prayer Rally---gumamit lamang ng "THIRD PERSON" ang mga Catholic Bishops upang hindi maging PERSONAL NA PINABABAGO NILA ANG "CHARACTER" mismo ni Ate Glo.
Nakakatawa namang naglabas ng "official statement" ang Malacanang sa pagsasabing "call" si Ate Glo na makiisa sa pagsusulong ng "CHARACTER CHANGE".
Ha! Ha! Ha!
Paano yan, eh, ang mismong CHARACTER niya ang hinihiling ng mga ralista na MABAGO.
Sa totoo lang, walang LANGUAGE CONSULTANT ang Malacanang.
Ito ang problema sa komunikasyon at sa dami ng dialekto sa Pilipinas-- mahihirapan nang "magkaintindihan" kapag nag-USAP ang mga Pinoy na may kanya-kanyang DIALEKTO.
Sa paggamit kasi ng TAGALOG ( Filipino raw ang angkop), laging nakapundasyon ito sa MALALIM na talinghaga--at iyan ang hindi kayang unawain ng mga advisers ni Ate Glo.
Isipin mong sang-ayon daw si Ate Glo sa AGENDA ng mga Catholic bishops sa katatapos na Prayer Rally?
Kasingkahulugan kasi ng "Character Change" dito ay mismong LEADEARSHIP CHANGE sa Malacanang!
O, call ka pa ba Ate Glo?
------30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home