Tuesday, June 06, 2006

Kirot na di matanggap

(for BULGAR, June 7 issue)


PAULIT-ULIT ang gobyerno na isang lost cause daw ang komunismo sa Pilipinas!
Mahigit nang 20 taong paulit-ulit na sinasabi yan ng gobyerno.
Nakakahiya.
Kasi’y hindi sila marunong gumamit ng propaganda!
Hindi nila matanggap ang mapapait na kapalaran.
Paano mo mareresolba ang isang malaking problema kung hindi mo ito itinuturing na problema?
Iyan an gating malaking problema!
Paano magagamot ng isang doctor ang isang sakit, kung hindi mo itinuturing na “isang sakit” ang kirot na iyong nararamdaman?
Paano ka matututo ng basketball kung ang paniniwala mo ay bihasa ka na ditto kahit hindi ka marunong magdribol?
Sintido-kumon ito!
Sa bagay, hindi natin kasi matukoy ngayon kung sino ba ang nasusunod sa ating gobyerno: Ang pangulo ba ng Republika o ang hayrarkiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP)?
Aktuwal na katunggali ng AFP ang NPA kasi’y kapwa sila armado.
Maaari kasing nagmamaniobrahan ang dalawang panig gamit ang “covert operations”.
Kasi’y iniutos naman ni Ate Glo ang imbestigasyon pero patuloy ang serye ng “pagpatay sa mga lider militante” at marami rin ang dinudukot?
Ibig sabihin ba ay “magkahiwalay” ang diskarte ng Commander-in-Chief at mismo ng AFP?
Maselan yan!
Kung durog na ang CPP-NPA, bakit hindi madale si Ka Roger at ang matataas na lider ng mga rebelde?
Tanggapin nating problema pa rin natin ang insureksiyon—at doon lamang tayo magkakaroon ng epektibong pagkilos.
---30--

1 Comments:

Blogger unknown particle said...

ano ang problema bakit may insureksyon?


manilenya

Wed Nov 22, 11:49:00 AM  

Post a Comment

<< Home