Sunday, December 17, 2006

Pacman: Silent!!!

CHARACTER CHANGE ang isinisigaw ng mga Catholic bishops.
Nagpalakpakan naman ang mga CHARACTER ACTOR.

----$$$--
DEDBOL si Rep. Luis Bersamin ng Abra.
Deadly talaga ang 2007 May elections.

---$$$--
SA loob ng bakuran ng simbahang Katoliko natepok si Bersamin.
Hindi po totoo na BISHOP ang bumaril sa kanya.

----$$$---
NAGAGALIT ang Thailand at Japan sa pagkansela sa ASEAN at East Asia Summit sa Cebu City.
Okey lang yan, basta’t NASA MALACANANG pa rin si Ate Glo.

---$$$---
SI Vice Mayor Danny Lacuna na pala ang NANGUNGUNA sa mayoralty survey sa Maynila.
Kaya pala kakandidato na uling senador si Sen. Ping Lacson.

----$$$---
NAKARAOS na ang 28th birthday ni Manny Pacquiao NANG TAHIMIK.
Natakot siguro siya sa mga KIDNAPER.

-----$$$---
NAUNAHAN na ng Vietnam sa pag-unlad ang Pilipinas.
Puro kasi POLITIKA ang mga lintek!

----$$$--
DAPAT nang mag-resign si Speaker JDV.
Kakasuka ang kanyang mga ginagawa.
Swarkkk, swarkkkkk!

-----$$$---
TAHIMIK na tahimik si Sen. Miriam
Aba, i-tsek nyo siya—baka KUNG NAPAANO nayan!

----$$$--
MAY panibagong “bomba” ang oposisyon.
Kapag nagsalita na si ex-Chief Justice Artemio Panganiban.
At nagbunyag na rin si ex-Navy Chief Mateo Mayuga.

-----$$$--
NAPAKALINAW na NAG-AKSAYA ng bilyong pisong KUWARTA ng bayan ang gobyerno kaugnay ng CON-ASS at PEOPLE’S INITIATIVE.
Kongretong ebidensiya ito ng GRAFT and CORRUPTION.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home