Tuesday, December 19, 2006

Bad news, good news

(Bulgar newspaper, 21dec06)

MAY sapat na suplay ng tubig ang MetroManila matapos mapuno ng bagong si Seniang at Reming ang Angat Dam.

Pero, pinahintulutan ng mga awtoridad ang pagtataas ng singil sa konsumo ng tubig.

Nauna nang pinayagan ng Korte Suprema ang Meralco na magtaas ng singil sa konsumo ng elektrisidad.

Pero, kasabay nito, lumalakas ang halaga ng piso sa palitan kontra dolyar.

Hindi kaya puwedeng makatulong ang mataas na halaga ng piso upang mapigil ang pagtataas ng singil sa tubig at kuryente?

Iyan ang dapat pinagdedebatehan sa Kongreso imbes na Charter Change.

Kung maaari ay maglamay sila o magdebate nang 24-hour tulad sa ginawa ng mga kampon ni Speaker JDV nang baguhin ang “house rules” ay bigyan daan ang Constituent Assembly resolutions.

Ngayon, ipakita ng mga “mambabastos” este, mambabatas ang kanilang tunay na hangarin na tulungan ang mga nagdarahop na Pinoy.

Ibinaba na ang singil sa pasahe at singil sa toll fees sa expressway kaya't kung magkukusa ang matataas na opisyal ng gobyerno na tulungan ang mga mahihirap ay magagawa naman nila.

Iyan din ang dapat ipagdasal ng mga religious leaders, maging masipag at matalino sa paghanap ng solusyon ang mga corrupt at tamad na opisyal ng bayan.

Isang solusyon sa kakapusan ng enerhiya o panggatong ay ang pagsasaliksik sa paggamit ng “liquid coal” na aktuwal nang pinakikinabangan sa United States.

Sobra-sobra ang “coal' sa Pilipinas—at isa itong solusyon sa hinaharap.

Pero, ni hindi isinasama sa agenda ng mga mambabatas ang paghahagilap ng alternative energy.

Hindi ang pagbabago sa Konstitusyon ang solusyon kundi ang pagbabago sa kamalayan ng mga Pinoy.

-----30---


0 Comments:

Post a Comment

<< Home