Sunday, January 14, 2007

Buwitre

(Bulgar newspaper, january 15 issue)


HINDI pa man lamang napagtitibay ang dagdag na suweldo sa mga nagugutom na obrero, ipatutupad na ng Social Security System (SSS) ang panibagong PATONG sa kontribusyon o premiums mula sa kakarampot na kinita ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
May natitira pa kaya ang kaluluwa ang mga nasa pamahalaan?Bakit kinukunsinte ni Ate Glo ang ganitong klase ng KAWALANG- HIYANG desisyon ng SSS?
Ipinagmamagaling ng SSS na mahusay silang humawak ng “pera ng mga obrero”--e, bakit patuloy nilang sinisepsep ang “dugo” ng mga anak-pawis.
Hindi naman gaanong nabibigyan ng benepisyo ng SSS ang mga obrero dahil wala namang mahusay na programa o proyekto ang ahensiya na tuwirang makakatulong sa mga miyembro.
Hindi natin malaman kung may sapat na katinuan ang mga nangagasiwa sa SSS.
Walang duda na mga buwitre ang mga may kontrol sa SSS.
Dapat na itong buwagin!!!
Nakapagtataka ring walang sinuman sa mga gabinete, senador, kongresista o maging mga militanteng grupo ang kumokontra sa pagtataas ng kaltas ng SSS.
Kasi'y naman ang puro “pamumulitika” ang nasa pamahalaan, ang mga militanteng grupo naman ay “politika” rin ang pinagtutuunan ng pamamahayag.
Nalihis na nang todo ang ating lipunan.
Marami ang nagmamartsa sa gitna ng lansangan—pero mistulang TINATAPAKAN nila ang KALANSAY mismo ng mga obrero.
Wala na tayong maaasahan sa SSS—isa itong lehitimong raket ng pamahalaan.
Kapos na kapos ang suweldo—“kokotongan” pa ito ng SSS.
-------30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home