Thursday, January 11, 2007

Tao nahawa na nang todo sa bird flu

(Bulgar newspaper, January 13 issue)


NANGANGAMBA ang mga eksperto sa natutuklasan nilang bagong impormasyon kaugnay ng panibagong pag-atake ng bird flu.
Ibinunyag na nagkaroon ng bagong “mutation” ng bird flu virus sa China pero inililihim na naman ito ng Beijing.
Nag-aapura na naman ang mga laboratoryo sa pagpormula ng bagong vaccines.
Nasopresa naman ang mga dalubhasa nang malaman na nahawa na rin ang mga tao sa South Korea sa bird flu virus—at walang sintomas na nakita sila.
Ibig sabihin, mas delikado ngayon ang bird flu virus dahil maaaring maging “carrier” kahit walang lagnat—kung saan mababalewala ang “thermal gadgets” sa mga airport kung saan umiilaw ito kapag dumikit sa mga pasaherong may mataas na temperatura ang katawan.
Gayunman, nagpapasalamat pa rin ang mga health authorities dahil nagagawa ng immune system na talunin ang bagong virus—iyan ay sa ngayon!
Pero, sa Indonesia, patuloy na inaalerto ang mga mamamayan dahil sa patuloy na pananaklot ng naturang virus.
Pinakahuling tinamaan ngayon ang Vietnam at Hong Kong na kadikit lamang ng Pilipinas.
Hindi kasi malayong matangay ng mga wild ducks na napapadpad sa Palawan ang virus at mahawa rin ang mga Pinoy mula sa mga bumibiyaheng OFWs mula sa Hongkong at maging mula sa Europe na sinaklot na rin ng naturang epidemya.
Nagkakaisa ang mga eksperto na kontrolado nila ang paglaganap ng virus kahit nagkukusa ito na “tumigil” kapag nagbabago ang klema ng panahon.
Pero, naniniwala sila na maaaring malipol ang milyong-milyong populasyon sa biglang pagsulpot ng bagong strain ng virus anumang oras—saan mang lugar sa mundo.
------30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home