Sunday, January 14, 2007

Lutong- Makaw

(Bulgar newspaper, january 15 issue)

WINARNINGAN ng ASEAN nations ang North Korea.
Tuta na rin sila ng Kano?

----$$$---
NAG-AATRASAN ang mga aspiranteng senador ni Ate Glo.
Kumbaga, NATIYOPE ang kanyang mga manok.

----$$--
KAKANDIDATO raw senador si Gov. Chavit.
Jueteng tungo sa Senado.

----$$--
INALERTO ang tsunami matapos ang LINDOL sa Japan.
Umakyat sila sa mga PUNO na parang mga DAGA.

----$$$---
IPATUTUPAD na raw ang GUN BAN.
Masunod kaya ito sa MINDANAO?

------$$$---
NAGSIMULA na ang ELECTION PERIOD.
Asahan pa ang maraming PAGPATAY.

-----$$---
ISANG Korean ang makakalaban ni Manny Pacquiao sa Macau sa Abril 28.
Hindi kaya isa itong tipikal na LUTONG-MAKAW?

-----$$---
TALIWAS sa press release ng SMC, itinuloy ang commercial nina Manny Pacquiao, Erik Morales at Freddie Roach.
Inuman naaaaa!

-----$$$---
WALA na raw boyfriend si Angel Locsin ngayon.
Ehemmmm, ehemmm!

-----$$$---
NAGTAAS na ng KONTRIBUSYON ang SSS.
Pukawnamooooo!

----$$$---
MALABO na raw ang LEGISLATED SALARY INCREASE.
Lintekkkkk!

-----$$$---
ISASABAK na rin ng Britain si Prince Harry sa Baghdad.
Huhhh, baka MAKATAY siya nang buhay.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home