Tuesday, August 10, 2010

GMA mas grabe kay Makoy, PNoy mas grabe kay GMA

Para sa mga kritiko ng dating pangulo, nararapat lang daw ang kanilang ginagawang pang-insulto sa kanilang kasamahang kongresista.
Idinepensa naman ng kanyang mga kapartido sa Lakas- Kampi-CMD si Rep. Glo sa pagsasampa ng kaso sa Ethics committee sa unang kasamahan nila na nambastos umano sa dating lider ng bansa.
Imbes naman na sagutin ng isa ring priliege speech, minabuti na lang ni Rep. Glo na mag-walkout.
Umeksena naman si Rep. Manny Pacquiao sa pagsasabing itigil na ang bangayan at magsimula na silang magtrabaho para sa bayan.
Sa kabilang dako, nagkainitan muna ang mga senador bago naareglo ang pagsusuwangapan sa chairmanships ng mga komite sa Mataas na Kapulungan.
Malinaw ngayon na wala tayong maasahang matinong Kongreso at sa benggador na administrasyong Aquino.
Taliwas sa paniniwala ng lahat na mayroong pag-asa ang bawat isang Pinoy, mauuwi sa bula an gating mga hilaw na pangarap na maiahon sa kabulastugan ang ating pamahalaan.
Mananatili pa rin ang napakasamang kantiyaw—mamili ka sa dalawang demonyo sa panahon ng eleksiyon.
Kayo na ang sumagot, sino ang napili ninyo?
Mga anghel ba ang napili ni Juan o hindi nalalayo sa dati-rati ninyong kinasusuklaman?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home