Saturday, February 03, 2007

$7.25 per hour salary increase

(Bulgar newspaper, for: feb. 04 issue)

TULAD sa Pilipinas, pinalusot na rin ng US Senate ang dagdag na $7.25 KADA ORAS na suweldo sa mga obrero sa naturang bansa.

Hindi po P7.25 kundi dolyares—at hindi rin kada ARAW—kundi kada ORAS!

Halos isang dekadang hindi nakakatikim ng increase ng suweldo ang mga obrerong Kano.

Napakalaki nito mula sa $2 kada oras na suweldo!

Pero, iba-iba ang pasuweldo sa bawat estado ng US.

Bilang insentibo naman sa mga kompanya bibigyan sila ng malaking DISCOUNT SA TAX kapag ipinatupad ang naturang salary increase!

Ang panukalang-batas na dagdag na suweldo ay katuparan ng PANGAKO ng mga anti-Bush lawmakers na DEMOCRATS na siyang may control ngayon ng US Congress.

Ibig sabihin, tinotoo ng DEMOCRATS lawmakers ang “plataporma-de-gobyerno” na kanilang ipinangako sa panahon ng KAMPANYA.

Sa Pilipinas maglalakas-loob kaya ang administration party na IPANGAKO ang katuparan ng P125 kada-araw na dagdag suweldo?

Kailangang linawin iyan ng ADMINISTRATION CANDIDATES sa mga botante!

Kapag nagkamali sila—mabobokya sila sa Mayo!

Hindi sinasadya, makokopo ng oposisyon ang Kongreso—nang walang kahirap-hirap!

------30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home