Friday, February 02, 2007

Patong sa ulo

(Bulgar newspaper, for: feb.03 issue)

ISANG lantarang panghihimasok ng United States ang paglalaan ng MILYONG DOLYARES na PATONG SA ULO sa mga SUSPECTED BOMBERS sa Mindanao.
Karaniwang itinuturong nambobomba ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nasa ilalim ng peace negotiation sa gobyerno.
Umaasa ang mga “mediators” na malapit nang magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao pero ang panghihimasok o pakikialam ng US ang dumidiskaril mismo sa negosasyon.
Pinakahuling insidente ay ang paglusob ng mga hinihinalang MILF commandos sa Cotabato provincial jail kung saan nakatakas ang 49 preso kabilang ang mga suspected MILF bombers.
Sakali kasing diktahan ng US ang Malacanang, hindi malayong “mapugutan” ng ulo ang mga naturang suspect tulad ng ginawa ng US kay Saddam Hussein na ipinakatay ng Pentagon sa mga political rivals ng dating pangulo ng Iraq.
Hindi patas ang ginagawa ng US—at malinaw na paglabag ito sa INTERNATIONAL LAW.
Ang US mismo ang sagwil sa PAGKAKAISA ng mga Pinoy.
Sakali kasing magkaroon ng wagas na kapayapaan sa Mindanao—hindi na tayo aangkat pa ng multi-bilyong dolyar na halaga ng ARMAS sa US.
Biglang yayabong din ang industriya sa Katimugan at magiging tunay na PANGAKONG PARAISO ito hindi lamang para sa mga Pinoy kundi maging sa buong Asia.
Magkakaroon din ng malayang oil exploration, mining at agricultural plantation sa Mindanao na walang duda na mag-aangat sa Pilipinas bilang isang REGIONAL POWER sa ating kontinente.
Dapat ay ilinya sa direksiyon ito ang mga plata-porma-de-gobyerno ang mga kumakandidatong senador at kongresman.
Pagtulung-tulungan naging sagipin ang Mindanao mula sa KUKO NG MGA DAYUHANG DINOSAURS.
-------30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home