Tuesday, August 10, 2010

R.A. 6713 : Inutil

TILA walang KONSENSIYA si Pnoy at masyadong PANGAHAS sa pagtatanggal ng tao sa gobyerno.
Isipin na lang ninyo, SINIBAK si PAGASA chief Frisco Nilo nang walang DUE PROCESS.
Bakit hindi nila binigyan ng PAGKAKATAON si Mr. Nilo na ibigay ang PANIG laban sa kanyang mga kritiko.
Makikita natin na basta-basta na lamang NAKIKINIG si Pnoy sa mga sepsep at sa mga NAGKAKAIINTERES sa posisyon.
Isang BANANA REPUBLIC ang Pilipinas sa administrasyong Arroyo.

------$$$---

NAAWA ang ABS-CBN crew nang pasyalan ang bahay ni Nilo.
Nakatira ang kanyang PAMILYA sa isang simpleng bahay—na hindi para sa isang EHEKUTIBO ng gobyerno.
Sa totoo lang, SIMPLE LIVING lang ang buhay ng direktor PAGASA.
Iyan kasi mismo ang itinatadhana ng Article XI, Section 1: "A public officials must lead at MODEST LIVES."

------$$$---
Kung SINO yun HINDI CORRUPT at may EBIDENSIYA na hindi NAGNAKAW—siyang siinisibak sa administrasyong Arroyo.
Dapat siyang IPAGTANGGOL ng mga ordinaryong mamamayan.
Dapat siyang idepensa ng mga HINDI MAGNANAKAW.
Mukhang walang nagdedepensa kay Nilo.
Nagpapatunay ba ito na maging ang mga MILITANTENG GRUPO at ORDINARYONG MAMAMAYAN---ay pawang MAGNANAKAW din?

-----$$$---
ITINATADHANA ng R.A. 6713, Section 4, paragraph "h": "Public officials and employees and their families shall lead modest lives appropriate to their position and income. They shall not indulge in extravagant or ostentatious display of wealth in any form."
Sinikap ni Mr. Nilo na TUPDIN at GAMPANAN ang naturang itinatagubilin ng batas, pero ano ang kanyang NAPALA?
Hindi na siya binigyan ng DUE PROCESS, hiniya pa siya sa PUBLIKO.
Anong KONSENSIYA mayroon si PNoy?

------$$$---
KAHIT ang pagkakasibak kay Willie Revillame at sa WOWOWEE ay "may anino" ng Malacanang.
Ang pagpuwesto ni Kris Aquino sa NOON TIME show ay isang ebidensiya ng BENGGANGGSA at pagkakaroon ng CONFLICT OF INTEREST.
Nakakahiya, nakakasuka!!!

----$$$---
DATI-RATI ay kinokontra ng "dating oposisyon" ang pagsasapribado ng PAGCOR, ngayon sila na ang NAKAAGAW ng poder sa Malacanang, sila ngayon ang PROMOTOR ng pagsasapribado ng naturang GAMBLING EMPIRE.
Hindi pa nakaabot ng first 100 days si PNoy---$10 BILYON agad ang unang PRESYO sa UNANG SUBASTA ng pag-aari ng Republika ng Pilipinas.
Kung malala pa kaysa kay Marcos si Ate Glo, mas GRABE ang kahihinatnan natin kay Pnoy, sige, isipin ninyo yang MABUTI.
Tsk, tsk, tsk.

-----$$$--
KUNG kinontra ni Ate Glo ang pagtaas ng SINGIL sa pasahe sa MRT at LRT, si PNoy pa ang nag-endorso sa kanyang SONA na palobihin ang SINGIL sa mga commuters.
Ano bang klase ng diskarte yan?

-----$$$---
INENDORSO din ni PNoy na IBENTA ang "Naval Headquarters" ng Pilipinas sa kanyang SONA.
Mukhang mayroon siyang KLIYENTE na foreigners.
Hulaan ninyo, GAANO ang kanyang maibubulsang "SOP"?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home