Monday, February 05, 2007

Basket-bolero

(Bulgar newspaper, feb. 06 issue)

GUSTO ring kumandidato ni Sen. Dra. Loi Estrada.
Naloko naaa!

----$$$--
NAKAUWI na sa Maynila ang mga “HINDI HINOSTAGE” na sina Maj. Gen. Benjamin Dolorfino, Usec Ramos Santos; at 12 iba pa.
Nagsisinungaling na naman sila sa PUBLIKO!

----$$$---
NAPUWERSA ng MNLF faction ni Nur Misuari ang isang “tripartite conference” kasama ang Organization of Islamic Conference (OIC).
Hindi kaya gayahin ito ng MILF—kidnapin din ang mga heneral at cabinet secretaries?
Ganyan po KATATAG ANG ATING REPUBLIKA!

----$$$---
TEPOK ang 20 katao sa Florida, USA nang umatake ang tornado.
Ayaw iwanan ng MALAS ang mga Kano.

----$$$--
IPATUTUPAD ang “partial automation” sa eleksiyon.
Partial din ang magiging dayaan.

-----$$$--
OKEY na raw ang National ID system sa Marso.
Mauuso na naman ang pekeng pirma.

-----$$$---
NAGPROTESTA ang mga Pinay DH sa HongKong dahil sa hindi patas na LABOR LAWS.
Ang Malacanang, tameme lang!

----$$$---
HANDA raw itigil ng North Korea na itigil ang paggawa ng nuclear weapons kapalit ng OIL SUPPLY.
Bakit, mayroon ba silang ITITIGIL.
Mukhang napeke ditto ang US.

-----$$---
AYAW pa ring PALAYAIN ng mga kidnaper ang 24 seamen sa Nigeria.
Wala ring RANSOM na hinihingi kundi KALAYAAN ng kanilang lider na NAKABILANGGO sa naturang bansa.
Iyan ang PINAKADELIKADO.

----$$$---
KINANSELA na ang laban ni Manny Pacquiao kontra kay In jin Chi sa Macau.
Oppps, minalas na ang inyong idol!
---$$$---
HINDI pa rin mapigil ang bird flu.
Magsanay na kayong MAGDASAL.
----$$$---
NAGMAMATIGAS ang Iran sa paggawa ng nuclear arms.
Iyan mismo ang PANAKOT nila sa US.
----$$$---
BAWAL daw ang short time sa mga motel sa Maynila.
Maniwala kayo dyannn?
------$$$--
MAAYOS na raw ang gusot sa RP Basketball.
Pahayag yan ng mga BASKET-BOLERO.
-----$$$--
NAIIYAK si Gradys Guevarra kapag kinukulit siya.
Iyan ang estilo niya para “MAGPATAWA”.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home