Saturday, February 03, 2007

Boobs ara-t ara-t ara-t

HINOSTAGE ng Moro National Liberation Front (MNLF) ni Nur Misuari ang isang cabinet undersecretary, isang marine general at 11 sundalo.
Nakuppp, akala ko ba ay KONTROLADO ninyo ang MINDANAO?

----$$$--
NAGMAMATIGAS ang Liberal at Nacionalista Party leaders.
Sumobra naman ngayon ang YABANG nila.

----$$$---
DALAWANG helicopter ng US ang pinasabog sa Baghdad.
No choice, kailangan NANG TUMAKAS ng mga Kano mula Iraq.
Kung paano ang GRACEFUL EXIT—iyan ang “lihim na pinagdedebatehan”.

---$$$---

NAGKAKAINITAN na rin ang US at Russia
Mukhang AMOY PULBURA na ang mundo!

----$$$---
IBINUBUYO ng Malacanang si Manny Pacquiao na kumandidato
Mga pahamakkkk!

----$$$--
AABOT sa 50 katao ang natepok nang sumabog ang LPG tanker sa Zamboanga.
Buti hindi nakatapat sa KAMPO ng military

----$$$---
HINAHABOL ng PCGG ang mga kompanya ni Lucio Tan.
Nakupp, HAHARBAT lang ng “campaign fund” ang mga yan?
-----$$$--
ITINAAS ni Speaker JDV ang kamay ni Gov Chavit
He, he, he!

-----$$$---
IAANGAT sa $7.25 kada oras ang suweldo ng mga obrero
Hindi po sa Pilipinas kundi sa US

-----$$$---
ITINATWA ni LOVI POE na boyfriend niya si Cogie Domingo
O, e, ano ngayon?

-----$$--
SA Hunyo pa raw aaminin ni Ogie Alcasid na DYOWA niya si Chona Velasquez
Aantayin muna niyang MABUNTIS?
Tsek n’ya siguro kung UNANO ang lilitaw sa ultra-sound!

----$$---
SUKI pala natin ang may 3,000 miyembro ng KKM sa Malabon- Navotas area
Ang KKM ay “Kayang- Kaya ni Misis”, isang samahan na pinamumunuan ni Madame Jaye Lacson- Noel.
Nakapokus ang kanilang aktibidad sa pag-aangat ng KABABAIHAN sa pagkakaloob ng livelihood programs.
Oooops matutuwa ang mga mister—pwede na silang hindi MAGTATRABAHO.
Ngek, erkkk!!

-----$$$---
KAKANDIDATO rin pala si ARA MINA
Ano kaya ang angkop na campaign jingle sa kanya.
Hala Ara, Hala Ara, Hala Ara!
BOOBS, ARA-T, ARA-T ARA-T!
BOOBS, ARA-T, ARA-T, ARA-T!

----30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home