Monday, February 05, 2007

Mag-bible na lang

(Bulgar newspaper, for: feb. 06 issue)

KINANSELA na ang laban ni Manny Pacquiao kontra kay In jin Chi ng South Korea na gaganapin sana sa Macau sa buwan ng Abril.
Hindi natin malaman ngayon kung dapat “paniwalaan” pa ang mga sportswriters o dapat pang paniwalaan pa mismo si Pacquiao?
Dati- rati, tanging ang mga sportswriters lamang ang karaniwang nagsasabi ng totoo o nagbabalita “nang malapit” sa katotohanan, pero ngayon ay lumalabas na “hindi totoo” ang mga iniulat sa nagdaang mga araw.
Kasi naman ay ibinalita agad sa mga sport page na tiyak ang laban ni Pacquiao sa Macau kahit alam nila na walang namang kontrata na nilalagdaan.
Ngayon, lumalabas na nais ni Bob Arum na ganapin sa Texas, USA ang susunod na laban ni Pacman—at siya naman ngayong “iniuulat” ng mga sportswriters.
Pero, sa totoo lang, malabo pa rin ang laban ni Pacquiao sa teritoryo ng US—kasi'y alam naman nating lahat na “nagdemandahan” sa US court ang magkaaway na promoters na sina Bob Arum at si Oscar dela Hoya.
Dapat ay inaayos mabuti ng mga “sports editor” ang mga ulat mismo na ipinapasa ng mga “sportwriters” upang maibigay ang wastong pangyayari sa larangan ng sports.
Sana'y ang larangan man lamang ng sports ay masagip natin sa masamang reputasyon ng pag-uulat lalo pa't nasa gitna tayo ng election period—hindi natin alam kung alin ang “lehitimo” o “hindi lehitimong balita” sa media.
Ang problema, maging si Pacquiao na siyang “laman” ng mga balita sa pahina ng sports—ay mahirap nating pagkatiwalaan.
Hindi malinaw ang kanyang mga pahayag at madali siyang “mauto” ng mga kumakausap sa kanya.
Lalo namang mahirap makahanap ng “totoong ulat” mula sa showbusiness.
Mas mainam yatang magbasa na lamang tayo ng “bibliya”--yun nga lang, laging WALANG KATAPUSAN ANG DEBATE!
-----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home