Tuesday, February 06, 2007

Mahahabang ilong

(Bulgar newspaper, for: feb. 07 issue)

HUWAG kayong mabibigla!
Ibinunyag ng mga awtoridad ng pangkat ng bandidong Pentagon Gang ang itinuturong umatake sa Cotabato Provincial Jail kung saan itinakas ang 49 na preso kabilang ang mga suspected bombers.
Alam ba ninyong pinamunuan ang pagsalakay ng kanilang lider na si Tahir Alonto, iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na napatay nila nang bombahin ang kuta nito noong 2004.
Lumabas ngayon, na isang “kasinungalingan” ang kumpirmasyon ng AFP na napatay nila si Alonto na ikinatwiran nilang itinakas at inilibing ng kanyang mga tauhan sa gitna ng kabundukan nang mawarat ang bangkay nito.
Lumutang din kahapon ang “kasinungalingan” ng mga awtoridad nang aminin mismo ni Major General Benjamin Dolorfino na totoo siyang HINOSTAGE ng MNLF breakaway group taliwas sa paliwanag ng AFP na sila ay “pinigil” lamang.
Talamak ang pagsisinungaling ng AFP—partikular ang pagdedepensa nito sa “Hello Garci scandal” na hindi sila nandaya sa eleksiyon.
Pero, ang pagiging “mahabang ilong” ng militar ay maaaring hindi ang tunay na isyu ngayon—kundi ang PAGLUTANG ng dalawang napakapanganib na bandido sa Mindanao kapalit ng Abu Sayyaf: 1) Pentagon Gang sa Cotabato area 2) MNLF breakaway group sa Sulu at Basilan.
Hindi biro ang pagsalakay sa provincial jail na dalawang beses nang ginawa ni Pentagon Gang na isa ring breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Biro bang masasabi ang hostage-taking sa isang heneral, isang gabinete, 2 colonel at 12 iba pa kung saan iniulat na nagbayad ng “hindi ransom” (panibagong kasinungalingan uli) kuno ang gobyerno?
Hindi natin dapat abangan kung makakastigo o mahuhuli ng AFP ang Pentagon at MNLF breakway group kundi ang “LIHIM NA PANGHIHIMASOK” dito ng Kano sa mga susunod na araw.
Tiyak na magiging “madugo” at delikadong magkaroon ng civil war sa Mindanao kapag umeksena dito si US Prez George Bush.
Masasabay ang kaguluhan sa election period---hindi malayong makopo ng “grupo ni Ebdane” ang mga balota nang legal at moral.
Huwag kayong mabibigla kung maka-LANDSLIDE sa Mindanao ang kampon ni Mrs. Garse habang nagkukubli sa “kaliwa't kanang pagsabog”!
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home