Friday, February 02, 2007

Pacquiao knockedout

TUMAKAS ang 49 preso mula sa Cotabato provincial jail.
Baka magpa-FILE din ng Certificate of Candidacy.
Natakot silang ubusin ng mga KAPWA nila hoodlums ang mga forms sa Comelec.
----$$$---
NANGAKO si Ate Glo na magiging HONEST ang eleksiyon sa Mayo.
Iyan din ang naging PROMISE niya sa 2004 presidential election.
I AM SORRY! I AM SORRY! I AM SORRY!
----$$$--
NATANGGAP na ni Defense Sec. Hermogenes Ebdane ang “bayad” sa pagiging campaign operators sa huling eleksyon.
Tenkyu, Mrs. Garse, tenkyu Mrs. Garseee!
----$$$--
KONTRA si ex-en. Kit Tatad sa political dynasty.
Hindi kaya “baog” siya?
----$$$--
MAGTIPID daw sa TUBIG.
Sikaping i-RECYCLE ang mga IHI.
Kapag naipon, puwede itong PAMBUHOS sa toilet bowl.
At kapag binilad—puwedeng makaipon ng ASIN.
---$$$--
BINANSAGAN ni Venezuela President Hugo Chavez si US Prez George Bush na isang KRIMINAL.
Si Chavez ang BAGONG FIDEL CASTRO!
Hindi nauubos ang kalaban ng Imperyalismong Kano.
Nadadagdagan ito at MAS TUMATAPANG!
-----$$$--
KINONTRA ng kanyang mga tagahanga ang plano ni Manny Pacquiao na kumandidato.
Gusto ba ninyong MAKATIKIM NG LEFT HOOK?
---$$--
MARAMI ang nagdududa na maaaring NAALOG ang “UTAK” ni Pacquiao nang masuntok ni Erik Morales sa ulo.
Hindi ka kasi “STABLE” ang kanyang isip.
-----$$$--
WALA raw makalaban si Pacman na maaaring tumalo sa kanya.
Pero, kapag tumigas ang kanyang ulo sa PAMUMULITIKA—may mabigat siyang MAKAKALABAN.
Iyan si FLASH DIONISIA—ang kanyang nanay.
Hahampasin siya ng PALO-PALO sa ulo, tiyak KNOCKED-OUT ang inyong idol.
-----$$--
LUMIIT sa P62 bilyon ang budget deficit sa 2006.
Buwelo ito sa DAMBUHALANG EXPENSES sa 2007.
----$$$---
WALANG duda, buhay-na-buhay ang dati-rating magkaribal na Liberal at Nacionalista Party.
MAGKAHAWAK pa sila ng KAMAY sa paglaban sa mga promotor ng multi-party system.
Hindi kaya MAG-AWAY-AWAY din yan matapos ang eleksiyon?
-----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home