Wednesday, February 01, 2012

BEWARE: WAR IN 2012

GUMAGRABE na naman ang sitwasyon sa Iraq.
Pinauuwi na ang mga OFW na nananatiling nasa loob ng naturang bansa.
Lumala ang kaguluhan sa Baghdad nang umalis ang US troops.
Sa ngayon, kontrolado ng Shiites Muslim ang gobyerno ng Iraq at may direktang ugnayan ito o relasyon sa kalapit na Iran, na kinokontrol din ng Shiites Muslim.
Ibig sabihin, suko na ang Kano sa pagkontrol sa Iraq dahil nakasingit ang Iran upang impluwensiyahan ang gobyerno ditto.
Ang Shiites Muslim ay kaaway ng Sunni Muslim na sekta ni Saddam Hussein.
Ang Shiites Muslim din ang may control ngayon ng gobyerno ng Syria na tuwirang kakampi rin ng Iran.
Sa ngayon, kontrolado ng US, Britain at NATO ang oil supply ng Iraq, isa sa may pinakamalaking oil reserves sa buong daigdig.
Hindi na interesado ang US sa gobyerno ng Iraq, ang interest lang nila ay ang OIL SUPPLY ng Baghdad at tiyak na yun ang IINGATAN nila sakaling MAPABAGSAK muli ang gobyerno sa Iraq.
Sa kabilang panig, tatakas na rin ang French sa Afghanistan, isa ring bansa na kinontrol ng US, Britain at NATO pero malapit na rin MAREKOBER ng Taliban forces.
Ang Taliban forces ay isang malakas na armadong puwersa na sinusuportahan din ng Pakistan.
Sakaling mabawi ng Taliban ang Afghanistan, isang malaking tagumpay at kapanatagan ito sa Pakistan na binabastos din ng US at NATO ang soberaniya.
Mahirap masukat ang magiging kapalaran ng Iraq, Afghanistan, Syria at Pakistan, pero iisa ang malinaw ditto—NABABAWASAN na ang puwersa ng US at NATO sa naturang mga lugar.
Kasabay nito, lumulutang naman ang PUWERSA at IMPLUWENSIYA ng Iran bilang lider ng mga Islam countries karibal ang Saudi Arabia, isang dating kaalyado naman ni Saddam Hussein bilang SUNNI Muslims.
Sakaling lusubin ang Syria ng US at bombahin ng Israel ang Iran—biglang magbabago ang gobyerno ng Iraq, Afghanistan at Pakistan kasabay ng pagdamay sa gulo sa loob mismo ng Saudia Arabia at iba pang bansa sa Middle East.
Sa Pilipinas, walang duda na apektado ditto ang mahigit limang milyong OFWs na naghahanap buhay sa LUGAR ng kaguluhan.
Hindi malayong masaksihan natin ito sa taong ito, 2012 kasabay ng umiinit na presidential election sa United States.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Feb. 02, 2012 issue, unedited. Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home