Wednesday, February 01, 2012

GENIUS IN MATH, ENGLISH

WEDNESDAY, FEBRUARY 01, 2012

GENIUS IN MATH, ENGLISH

INAMIN ni PNOY na nag-date sila ni GRACE LEE.
Ganyan din dati ang pag-AMIN ni Rustom Padilla nang i-DATE si Carmina Villaroel.
He, he, he.

-----$$$---
NAG-BUMERANG sa prosekusyon ang 40 PERCENT DISCOUNT sa condo na ibinenta ng MEGA WORLD kay CJ Renato Corona.
Sa totoo lang, baka nga may “kasama” pang BEBOT yung BARGAIN OFFER eh.
Ha! Ha! Ha!

----$$$---
NANG-HOSTAGE ang isang dating ESTUDYANTE nang makita ang kanyang TRANSCRIPT OF RECORDS na bagsak sa math at English sa isang eskuwelahan sa Navotas City kahapon.
Sumuko ang SUSPEK matapos i-ADD ang dami ng pulis sa paligid.
Pero, nag-REQUEST siya na ma-INTERVIEW siya muna ng isang ENGLISH-SPEAKING channel.
Hindi sinabi sa ulat kung “nagmiting” muna sa EMERALD RESTAURANT ang mga negosyador habang may hostage-taking.

----$$$---
NILINAW ni Sen. Miriam Defensor Santiago na WALANG SIRA ang kanyang utak.
Pero, inamin niya na hindi niya MAPIGIL ang kanyang pagka-BUGNOT.
Payo natin, pa-CHECKUP uli siya.
Baka natakot lang sa kanya yung psychiatrist.

-----$$$--
PINABORAN ng Court of Appeals ang BANCO FILIPINO at idineklara na “ILLEGAL” ang utos ng Bangko Sentral na isarado ito.
Inatasan ang BSP at Monetary Board na buksan muli ang BF.
O, sa palagay kaya ninyo ay may MAG-DEPOSIT pa dyan?

-----$$$---
ISANG lalaki ang HINOLDAP ng isang babae sa PASIG City.
Hindi sinabi sa ulat kung HINIPUAN ang KELOT bago tumakas ang suspek.
He, he, he.

------$$$---
DUMALO si Pareng Erap sa IMPEACHMENT TRIAL sa Senado.
Hindi po totoo na isinurender niya kay Presiding Juror Juan Ponce Enrile ang “SECOND ENVELOP” kahapon.
Nanood lang po siya at NANGANTIYAW.

-----$$$---
NADADAMAY ang “Iglesia Ni Cristo” sa impeachment proceedings.
Huhh, hindi kaya nagbabadya ito na “darating” na ang “TUNAY NA TAGAPAGLIGTAS”?
Ho! Ho! Ho!
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 02, 2012 issue, unedited. Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com)
POSTED BY MY DIARY, EDITOR'S FILE AT 1:21 AM
0 COMMENTS:

POST A COMMENT

<< Home

0 Comments:

Post a Comment

<< Home