Tuesday, February 07, 2012

PNOY: SUICIDAL LIKE REYES

PNOY: SUICIDAL LIKE REYES
ITUTULOY na rin ng mga Kongresista ang impeachment complaint kay Associate Justice Mariano Castillo.
Malaki ang tsansa mapagtibay ito sa Kamara at didiretso rin sa SENADO.
Pag nagkaganyan, magkakasabay na diringgin ang dalawang impeachment cases ng IMPEACHMENT COURT.
Matutuwa si SEN. LITO LAPID, kasi’t matagal pa siyang MAGSUSUOT ng ABITO NG ISANG MAHISTRADO.

----$$$--
KAPAG nagkasabay ang dalawang impeachment trial, pang-GUINNESS Book of World Records ang Senado sa Pilipinas.
Kasi’y BACK-2-BACK ang impeachment trial.
Kumbaga sa inuumok na sinehan, may MAIN EVENT, may ka-DOUBLE event pa.
He, he, he.

-----$$$--
MAGANDA ang komento ditto ni Sen. Joker Arroyo.
Sinermunan niya ang mga kongressita:
“Huwag ninyong gawin ang KAMARA na “PABRIKA NG IMPEACHMENT CASES”.
Ha! Ha! Ha!

----$$$--
PERO, delikado rin yan kasi’y maaaring MABAWASAN ng isa ang mga senador.
Kas’y kapag dumalo palagi si Sen. Miriam ay MATULUYAN na ito sa SOBRANG ALTA-PRESYON.

-----$$$---
TEKA, sinaklolohan ni Sen. Miriam ang DEPENSA nang siya mismo ang humiling ng RECONSIDERATION kaugnay ng majority decision na BUKLATIN ang bank account ni CJ Renato Corona.
Mukhang nagkakainitan na ang mga SENADOR ah.



------$$$---
TINATALAKAY na rin ng Supreme Court en banc kung PUPUNTA o dapat bang dumalo ang sinumang MAHISTRADO kapag inimbitahan sa Impeachment TRIAL.
Kapag nagka-ISA sila na HINDI dapat dumalo ang mahistrado sa IMPEACHMENT Trial—yan na ang CONSTITUTIONAL CRISIS.
Puwede bang kasuhan ng CONTEMPT ng Impeachment Court ang SUPREME COURT?
Malaking gulo yan.
Kapag hindi sila NAAREGLO, baka sumali dyan ang AFP.
Yan ang totoong problema.

----$$$---
ALAM ba ninyo na BIRTHDAY ngayon ni PNOY?
Alam ba rin ba ninyo na FIRST DEATH ANNIVERSARY ngayon ni ex-AFP Chief Angelo Reyes?
Abnormal o hindi normal ang PAGKAMATAY ni Gen. Reyes.
Pero ang alam natin “NORMAL” naman nang isilang si PNoy.
Magka-KONTRA sila—sa pagsilang at kamatayan.
Parehong SIGNIFICANT kay PNOY at Gen.Reyes ang PEBRERO 8.

-----$$$--
BILANG isang beteranong numerologist, alam ba ninyo na TANGING si PNOY lamang sa mga naging PRESIDENTE ng Pilipinas na isinilang sa PETSANG OTSO (8)?
Alam ba ninyo ang kahuluhan ng No.8 sa numerology?
Puwede kayong mag-gugel at sabihin ninyo na MALI ang babanggitin natin sa ibaba.

-----$$$---
EXTREME ang ibig sabihin ng No.8.
Ang lahat ng tao na isinilang sa petsang 8, 17 at 26—ay binanbansagang NUMBER EIGHT (8) PERSON.
Sa pigura, ang OTSO ay PINILIPIT na simbolo ng “ZERO”.
Kapag yung bilog na RUBBER BAND ay pinilipit mo nang minsan—magiging OTSO.
Ang zero ay sumisimbolo sa DIYOS—kapag pinilipit o “pinakilos” mo ang “DIYOS”, ano ang resulta?
Tama po, ang resulta ay ang KRISTO—ang Kristo—ay sumisimbolo rin sa OTSO—sapagkat extreme, at supreme extreme.
Pero kapag sinabing KRISTO—ito ay ang Diyos na nagkatawang-tao.
Dahil naging TAO—nagkaroon siya ng limitasyon.
Ang OTSO na isang bersiyon ng ZERO—ay sumisimbolo sa BAGONG KRISTO na makakalaban ng ANTI-CHRIST na sumisimbolo naman sa numero ng 6-6-6.
Sa bandang huli ng mundo—ang 8-8-8 ay siyang makakalaban ng 6-6-6 o ang The Beast!!
Iyan ay isa lamang aspekto ng No.8.

-----$$$---
ANG No.8—ay tulad din ng zero, walang simula at walang katapusan; maging sa physics, ang ATOM ay umiinog sa porma ng direksiyon ng paulit-ulit na OTSO—paikot-ikot lang, wala ring simula at wala ring katapusan.
Ito ang dahilan kung bakit PABORITO ng mga Chinese businessmen ang No.8—gusto kasi nila ay paangat-nang-paangat, extreme palagi ang TARGET nila.
Ang break even o patas o pantay lamang sa TARGET ay ayaw nila.
Meaning, taon-taon, nagse-SET sila ng TARGET income—nang pataas-nang-pataas kaysa sa nakaraang taon, EXTREME na ang ibig sabihin ay kailangang MAABOT ang PINAKARUROK ng tagumpay.

----$$$---
Iyan din ang dahilan kung bakit ang No.8 person ay LIKAS NA MALUNGKUTIN—sapagkat naka-BUILT-IN sa kanilang pagkatao ang pagiging EXTREME o maabot ang pinakamataas.
Kapag naabot ang pinakamataas, malungkot pa rin sila, kasi’y alam nilang, mayroon pang PINAKAMATAAS sa napakataas nilang NAABOT.
Sa madaling salita, WALANG KASIYAHAN o WALANG contentment ang mga No.8 person.
Kapag sinikap nilang maakyat ang bubong ng bahay, malulungkot pa rin kapag nakita nila na MAS ang dulo ng punong kahoy.
Kapag nasa ituktok sila ng puno, malulungkot ka pa rin sila, kasi’y makikita nila na MAS MATAAS ang buntala ng BUWAN.
Kapag narrating nila ang MOON, malulungkot pa rin sila, sapagkat nakita nilang MAS MATAAS ang SUN.
Kapag naabot nila ang SUN, malulungkot sila, sapagkat matutuklasan nila na TULDOK lang ang SUN sa Milky Way.
Yan ba si PNOY o yan din si Heneral Reyes?
Kayo ang sumagot at kayo ang mag-OBSERBA.

------$$$--
ANG buhay sa ibabaw ng mundo—ay prinsipyo ng POSITIVE at NEGATIVE tulad ng ordinaryong “matter”.
Walang bagay na mabubuo na puro negatibo, at wala ring puro positibo.
Kung gayon, ang No. 8 person ay maaring POSITIVE EXTREME at puwede ring NEGATIVE EXTREME.
May nagtatanong: Puwede bang puro POSITIVE ang maranasan ng No.8 person?
Puwede bang maranasan niya ay pulos NEGATIVE extreme?
Ang sagot ay puwedeng ikumpirma ng mga “readers” na No.8 persons (isinilang sa petsang 8, 17, 26) batay sa personal nilang buhay: May pagkakataon na kayo ay SUPER-POSITIVE at may panahon na nakakaranas kayo ng SUPER-NEGATIVE.
At kung kailan magaganap yan---yan ang puwede ninyong i-text!!
Teka, alin ang nauna sa buhay nina PNoy at kay Reyes—ang EXTREME positive ba o ang extreme negative?
Alalahanin, paulit-ulit lang ang “lifecycle”.

----$$$---
HULING tanong: Kung magkapareho ang significant number nina PNoy at Heneral Reyes na No.8, may SUICIDAL TENDENCY ba ang Pangulo?
Ang sagot ay malalaman natin sa pagtaya sa behavior ng kanyang yumaong ama na si Sen.Ninoy.
Alam na alam ni Ninoy na PAPATAYIN siya pagyapak sa Maynila, pero UMUWI pa rin siya.
Ang sabi ng ilan: SUICIDAL ang ginawa ng ama ni PNoy.
Like father like son ba?
Kayo ang sumagot.
(BISTADO column, Bulgar Newspaper for Feb. 08, 2012 issue,. Unedited. CC: bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com)
----30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home