Monday, March 19, 2012

ARSON CON BUMBERO y COBRANZA DE INSURANS

HINIHINALANG ARSON ang hindi pa NAAAPULANG SUNOG sa Ever Gotesco Grand Central Mall.
Hindi lang yan, marami pang ARSON ang naganap.

----$$$--
PERO, hindi kakana ang ARSONIST—nang hindi nakatimbre sa BUMBERO.
At siyempre, TATABO dyan ang mga IMBESTIGADOR—upang maabsuelto sa kasong ARSON ang mga suspek.
Sa totoo lang, LUMANG MODUS OPERANDI nay an, pero WALANG napaparusahan.
Ang puno’t dulo niyan ay CORRUPTION.
Pero ang napapahamak ay ang POBRENG VENDORS at mga OBRERO.
Paggising ng mga VENDOR noong Sabado ng umaga, wala na silang NEGOSYO.
Yung naman mga OBRERO, biglang nawalan ng TRABAHO.
Yung mga NEGOSYANTE, nagbibilang kung GAANO ang KOKOBRAHIN sa “insurance” at magkano ang ito-TONGPATS sa mga signatories na “BIKTIMA sila ng sunog”.

---$$$---
BUKOD sa sobrang init ng KLEMA, ang SUNOD-SUNOD na sunog ay INDIKASYON din ng mga NALULUGING NEGOSYO.
Yan po ay isang MAPAIT na katotohanan.
Makakarekober sila kapag naka-kobra sila sa INSURANCE.
Hindi ba’t lumang PAKANA nay an?

----$$$---
NAIIPIT ang mga OFWs sa Syria.
Matindi na ang civil war sa Damascus ang kapitolyo ng naturang bansa.
Kitang- kita natin ditto ang HIRAP at SAKRIPISYO na dinaranas ng mga OFWs.
Sa ngayon, may 10 milyong OFWs ang nagpapasok ng $50 bilyong remittances taon-taon sa bansa.
Pero, iyung isang DOMESTIC HELPER sa Paris na kinasuhan nang mamatay ang inaalagaang sanggol sa bathtub sa Paris ay HINDI naman natulungan ng gobyerno.
Walang linaw kung paano maaayudahan ng DFA ang naturang DH.
Tsk, tsk, tsk.

-----$$$---
PERO, sa kabila ng ganitong panganib, hindi pa rin mapigil ang mga OFWs na magbalik sa abroad.
Isa sa mga itinuturing nating buhay na bayani ay si Pareng Ronie A. Hernandez na isang sports leader ng bansa pero minabuting magbalik din sa Italy upang maghanapbuhay.
Regional director ng IAMTF Philippines- Kickboxing Association of the Philippines (KAP) si Hernandez at director din ng World Union of TOA Association- Philippines (WUTA- Phil) .
Nakatoka siyang magpalaganap ng TOA, kickboxing, muay thai at arnis sa Rome, Italy para sa mga OFWs na nanatili sa naturang bansa.
Von Voyage pare!!
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, March 20, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home