Friday, March 16, 2012

NGOYNGOY PROTEST

MAY ipinalit na sa PLANKING.
Ito ay ang NOYNOYING.
Welga ito na ang nagpo-PROTESTA ay simpleng NGUNGUYNGOY lang maghapon.
Masamang INSULTO ito.

----$$$---
SINABI ng China na ang KARAGATAN ay sobra ang lawak at hindi dapat PAG-AWAYAN ng mga bansa.
Ayun naman pala, eh bakit nakikiagaw pa kayo noh.


----$$$---
BINANGGIT na natin ditto nang paulit-ulit na ang SALN ay hindi NALALAYO sa residence certificate o CEDULA.
Subukan ninyo na HINGIN bigla ang CEDULA ng mga senator-judges at mga prosecutors, napaka-SUWERTE na ang may TATLO na maydala o mayroon nito.
Sa tatlo, sigurado tayo 100 percent sa kanila—MALI ang inilagay na DATOS sa “gross income”.
Ganyan din sa SALN, may DISKRESYON ang indibibwal na ilagay ang DATOS—kung saan siya KOMBIYENTE.

-----$$$---
SA totoo lang, kung papayag ang lahat ng SENADOR, KONGRESISTA, GABINETE at mismo si PNoy kasama ang mga MAHISTRADO ibisto nila ang kanilang SALN—AT MATUTUKLASAN natin na mali-mali at hindi EKSAKTO ang “datos” na nakalagay sa SALN.
Yan ang MAPAIT na katotohanan.
Kahit hindi eksakto ang DATOS sa SALN—walang batas na NAGPAPARUSA sa naturang PAGLABAG.
Ang PARUSA—ay doon sa hindi MAGSUSUMITE ng SALN, pero hindi dun sa “hindi eksaktong datos” sa SALN.
Sintido kumon lang yan.
At nauunawaan ito ng lahat ng nagta-TRABAHO sa gobyerno kasama na mismo ang CIVIL SERVICE COMMISSION executives.
Eka nga ni Atty. Topacio, ILALABAN ko ng PITPITAN ang YAGBOLS ng “kapitbahay” ko pag hindi totoo yan!!
He, he, he.

------$$$--
NAUUSO na ngayon ang PAGGAMIT ng BATERYA imbes na petrolyo sa pagpapatakbo ng mga BEHIKULO.
Malapit nang MABANGKAROTE ang Big 3 oil companies.
Sa susunod na 10 TAON, mawawala na sa kalye ang maraming KLASE ng sasakyan.
Pero, mas MAINAM ay kung maimbento na ang “TUBIG” na pagggatong sa sasakyan.
Pag ganyan, TAPOS ang problema.
(BISTADO NI KA AMBO column , Bulgar newspaper, March 17, 2012, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home