Thursday, March 15, 2012

IMPEACHMENT: KATARUNGAN PAMBARANGAY

TAMPULAN ngayon ng katatawanan ang impeachment court.
Kung humagikhik kayo sa tawa nang MAGTAKIP ng magkabilang TENGA si Atty. Vitaliano Aguirre nang TALAKAN ni Sen.Miriam, nakaka-TUWA naman ang ulat na “SINIKWAT’ ng isang abogado ng prosekusyon ang dalawang ebidensiya mula sa depensa.
Nakakatawa, kasi’y parang NAGSUSUMBONG ang depensa sa Kapitan ng Barangay na si presiding juror na si Juan Ponce Enrile.
Inamin ng abogado na KINUHA niya, pero sinabi nito na HAHANAPIN daw niya.
Ganun lang.
Hindi nalalayo ang impeachment court sa KATARUNGANG PAMBARANGAY.
Pareho lang may nagtatalak, may nanloloko at may NAMBUBUWISET.
Walang kapormal-porma tulad ng totohanang HUKUMAN na pinangangasiwaan ng TUNAY NA HUWES at MAHISTRADO.

----$$$---
PERO ang mga kabulastugan ay karaniwang nakikita sa tipikal na JURY sa iba’t ibang bansa.
Bakit?
Sapagkat ang tipikal na JURY—ay karaniwang hinuhusgahan ng ORDINARYONG MAMAMAYAN na hindi mga abogado.
Ang tanging may LAW EXPERIENCE ditto ay ang TOTOONG HUKOM na siyang nagpe-preside.
At sa totoo lang, mas MATINO ang jury sa ibang bansa kay sa impeachment body sa Senado.
Nakakalungkot at nakakadismaya.


-----$$$--
HINDI gaanong umepekto ang TRANSPORT CARAVAN ng PISTON.
O, e di mainam, hindi na-stranded ang mga tao.

----$$$---
LALABANAN daw ni CJ Renato Corona ang ONE-MAN RULE.
Huhh, baka ma-impeach ka palagi, sige ka.
Sabagay, sisikat ka.

-----$$$---
PERO nilinaw ng Malacanang na WALANG ONE-MAN RULE.
Iyan ang kanilang DIKTA.

-----$$$---
NAGBITIW ang chief forecaster ng PAGASA na si Graciano Yumul.
Isang babala ito ng isang NAMUMUONG SAMA NG PANAHON sa weather station.
Asahan ang sorpresang pagdatin ng UNOS.

-----$$$--
HINIHILING ng transport sector na TANGGALIN o BAWASAN ang VAT sa produktong petrolyo pero nagmamatigas ang Malacanang na mananatili ito.
Alam ba ninyo kung sino ang nagdikta ng DAGDAG NA VAT sa petrolyo?
Iyan po ay ang dating ADMINISTRASYON ni Cong. GMA.
Ngayon, ayaw tanggalin ni PNoy ang VAT, ebidensiya ito na PABOR siya sa BATAS na pinagtibay ng kinamumuhian niyang dating pangulo.
Kung tuna yang sinasabi niyang MASAMA ang LAHAT ng ginawa ni Ate Glo, puwesss, alisin niya ang VAT.
Malabong gawin yan ng Malacanang.
Dahil hindi nila kayang GAWIN, iniaangat nila sa BANTAYOG ng kadakilaan si Ate Glo.
Ano sa tingin ninyo?
Walang kawala, BISTADONG-BISTADO po.
(Bistado column, Bulgar newspaper, March 16, 2012, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home