Friday, March 16, 2012

FLATTERS VS FLATTERS

IPINANGAKO ng China na hindi sila gagamit ng DAHAS sa Spratlys.
Pumalakpak naman agad ang mga taga-Malacanang.
Hindi nila alam na BULAKLAK lang yung dila ng mga Tsino.
Ito ay isang tipikal na diplomasya na hindi dapat binabasa sa normal na pagtingin o letra at kataga ng mga binigkas sa PROPAGANDA.
Mas dapat ay obserbahan ng Pilipinas ang IKINIKILOS ng China imbes ang SINASABI ng bibig.
Nagpalabas agad ng pabalita ang Malacanang na ikinatutuwa nila ang pahayag ng China na isang kahinaan ng pananaw sa isyu at kahinaan ng pang-unawa sa sitwasyon.
Hindi dapat pumalakpak ang Malacanang hangga’t hindi binabaklas ng China ang mga garrison sa Spratlys at hindi pinauuwi ang mga barko de giyera na naglilibot-libot sa naturang pinag-aagawang isla.
Hindi naman nalalayo ang China sa US na mahusay ding mambola gamit ang mabubulaklak na kataga, pero hindi tinatapatan ng gawa o pagkilos na magpapatunay na seryoso sila sa kanilang mga sinasabi.
Aba’y sino ba ang natutuwa sa mga MANGGAGANTSO, hindi ba’t ang kapwa niya MANGGAGANTSO kasi’y iisa lang ang HILATSA ng kanilang utak—MAMBOLA at kapag NAPASAKAY ang biktima—doon sisikwatin ang lahat ng nais nitong DAMBUNGIN.
Dapat ay iangat ng Malacanang ang kanilang pananaw at hindi dapat sumasakay sa anumang PAUTOT ng mga karibal na bansa.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 17, 2012, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home