Sunday, March 18, 2012

A CHALLENGE TO THE GRADUATES: BE LIKE TRILLANES, HONASAN?

PINAYUHAN ni Pangulong Aquino ang 187 graduates ng Philippine Military Academy (PMA) na tumulong sa pagsugpo sa talamak na corruption sa gobyerno.
Ang problema ay kapag sinunod si Pnoy ng mga bagong graduates, baka araw-araw ay may mapabalitang nag-BARIL SA ULO katulad ng biktimang si Navy ensign Philip Pestano na binaril at pinatay nang magtangkang ibisto ang CORRUPTION ng mga navy officials.
Kapag sinunod si Pnoy, baka maraming PMAers ang maging senador tulad nina Sen. Gringo Honasan at Sen. Antonio Trillanes, na nag-expose at itinaya ang “military career” upang LABANAN ang corruption, MAKARAANG MAKALABOSO muna at nagdusa sa kamay mismo ng mga kapatid sa uniporme.
Ang paghamon ni Pnoy ay seryoso, pero ang kasalukuyang gobyerno ba ay SERYOSO sa implikasyon ng PAGSUNOD sa pakiusap ng Commander In chief na labanan ang corruption ?
Magmimistulang si Don Quixote ang 187 graduates sapagkat kailangan nilang i-expose ang hindi pa rin nareresolbang CONVERSION of fund, protection racket sa mga minahan at sindikato sa karagatan at mga kabundukan; at pakikipagkutsaba sa INTELLIGENC E AGENTS ng mga dayuhan.
Si Trillanes mismo ay gumawa ng pagsasaliksik batay sa kanyang thesis at dissertation, natuklasan niya ang CORRUPTION sa AFP bukod pa ang personal na hinaing ng mga nasa FRONT LINE, pero imbes na pakinggan ng COMMANDER IN CHIEF at mga heneral, ipinaaresto, ikinulong at hinatulan ang lider ng Magdalo.
Sakali kayang mag-expose ng katiwalian , sinuman o isa man sa 187 graduates ng PMA, bago matapos ang termino ni Pnoy sa 2016, ano kaya ang kanyang magiging SAGOT?
Mahirap sagutin, antayin nating may mag-BUNYAG ng katiwalian sa AFP upang masubok natin ang pagiging SERYOSO ng commander in chief.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 19, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home