Sunday, March 18, 2012

NOYNOYING: A SYMPTOMS OF HEART ATTACK, STROKE

MAHILIG palang mag-ALAGA ng BONSAI ang nakabili ng PROPERTIES ni CJ Renato Corona na si Mang Demetrio Vicente.
Hindi po totoo na siya rin ang nag-ALAGA rin at nagpa-GANDA sa dating PRESIDENTE.

----$$$--
KINUKULIT tayo ng mga TEXTERS, ano raw sa TAGALOG ang “NOYNOYING”?
Simple lang po, KUYAKOY.
Pakuya-KUYAKOY lang, kahit maraming PROBLEMA, mauupo—at KUKUYAKOY lang nang maghapon at magdamag.

------$$$---
ANO ba ang KUYAKOY?
Ang kuyakoy ay ang WALANG PATID na paggalaw ng paa habang nakaupo na tila ba PRENTENG-PRENTE lang kahit maraming GAWAING BAHAY na dapat asikasuhin.
Pinakasikat o popular ang walang patid na paggalaw ng paa na parang nagtsutsubibo o nagsasalihan o minsan ay magkasabay bilang KUYAKOY.
Pero, ang kuyakoy ay isang MANERISMO lamang—dahil sa ibang sitwasyon, maaaring hindi paa ang PINAGAGALAW, maaaring ang dalawang kamay na ipinipilipit o paikot-ikot na tila naglalambitin sa katawan.
Maaari ring ang paulit-ulit na pagpapaikot sa singsing habang nakaupo.
Sa matatanda, ang KUYAKOY—ay sintomas ng KATAMARAN o KAWALANG RESPONSIBILIDAD sa paligid.

-----$$$---
In fairness sa pinatutungkulan, may ibang paliwanag ditto kapag isinalin ito sa ENGLISH na ang KATUMBAS ay “FIDGETING”.
Yung nga lang, maaaring lalo ma-OFFEND si PNoy komporme sa kanyang pagtanggap.

Sa Google o WIKIPEDIA, ang KUYAKOY ay isang klase lamang ng FIDGETING na sintomas ng nerbiyos o lihim na pagkaburyong, pagkainip o bagabag ng loob.
Iginagalaw ng INDIBIDWAL ang PAA nang walang patid—bilang THERAPY o SAGOT o GAMOT upang mapigil ang SARILI sa sobrang pagkilos. Isang mekanismo ito ng inbidwal upang MAALIS ang inip o HINDI MABAGOT sa buhay.
Sa kaso ni PNoy na isang MAY EDAD na at walang asawa ay angkop ito, kasi’y talagang NAKABABAGOT ang buhay nang WALANG KAPARTNER—kaya’t dapat natin siyang UNAWAIN imbes na kutyain.
Sa ENGLISH, ang FIDGETTING ay SINTOMAS ng isang sakit na pang-SAYKOLOHIKAL.
I-google ninyon at ito ang inyong mababasa: Fidgeting may be a symptom of generalized anxiety disorder, ADHD, delirium, obsessive–compulsive disorder, abdominal aortic aneurysm, heart attack, dementia, and caffeine overdose.
Titigil na tayo sa pagpapaliwanag, kayo na lang po ang UMUNAWA.
Baka mapagalitan pa ako ng mga NAGMAMAHAL sa ating Pangulo.

-----$$$--
PERO, payong KAPATID, dapat ay ingatan si PNOY ng kanyang mga AMUYONG—sapagkat pag nagkasakit ang Pangulo ay BAKA MAWALAN sila ng TRABAHO.
Hindi ito biro, sapagkat—ang KUYAKOY o NOYNOYING—ay sintomas ng sakit—na maaaring MARANASAN ng ating Pangulo, tulad sa ating pagsasaliksik—dapat siyang mag-ingat sa ATAKE SA PUSO, nervious breakdown o mas malala, biglang pagdeliryo o STROKE.
Nagpapaalala lang po.
Maraming salamat sa mga nakaunawa.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, March 19, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home