Monday, March 19, 2012

PACQUIAO KINAUSAP NI LORD

INAMIN ni 8-division world boxing champion Manny Pacquiao na napanaginipan niya ang Dakilang Lumikha at hiniling nito na magretiro na siya sa boxing.
Kumpirmasyon ito na pinag-aaralan na ni Pacquiao na mamaalam sa larangang kanyang minahal at nagpasikat sa Pilipinas sa buong daigdig.
Kung pumasok sa panaginip ang pagreretiro, malinaw ditto na inuutusan na siya ng kanyang subconscious na tumigil na sa pagbo-boxing at mahirap na kontrahin ito o hindi sundin.
Iyan ang malaking problema ni Pacman.
Maari kasing BABALA ito ni Lord na maaaring mapahamak siya sa susunod na laban kung saan nakasanayan niyang sumabak sa MABIBIGAT na kalaban imbes sa mga banban na tune up fight contender.
Sa boxing ay alam ni Pacman na suwerte-suwerte rin, dahil sa malaon at madali ay makakatagpo siya ng mabigat na kalaban na maaring BUMUGBOG sa kanya nang todo.
Sa totoo lang, iyan din mismo ang dahilan ni Floyd Mayweather na umamin sa isang interview na hindi niya ITATAYA ang KALUSUGAN sa paglaban sa mapanganib na kalaban tulad ni Pacman dahil---maaaring hindi niya ma-ENJOY ang malaki nang kinita sa boxing.
Makakapulot ng aral si Pacman kay Mayweather.
Hindi kailangan ni Pacman na maging hambog at magyaban para MAPURI lang siya ng mga KABABAYANG mga ipokrito at ipokrita.
Hindi masama na ingatan ang KALUSUGAN—imbes na masilaw sa BILYONG PISONG premyo na ang mahigit kalahati ay nauwi sa BUWIS—buwis sa US at buwis sa Pilipinas.
Pero, sa totoo lang, isa sa kumukunsume kay Pacman kaya’t pinag-iisipan nang magretiro ay ang KAWALANG respeto at pagiging GAHAMAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi pa nasisiyahan sa MILYON MILYONG PISONG buwis na ibinabayad ng legendary hero.
Nagbayad siya nang kusa, pero KINAKASUHAN pa rin si Pacman ng BIR—at ito ang tunay na dahilan ng kanyang PAGRERETIRO—ang kasakiman ng kapwa Pinoy at KAHINAAN ng gobyerno na PROTEKSIYUNAN siya laban sa mga GANID na BIR—na naghahangad lamang na MAKOTONGAN siya ng milyon milyong piso.
Mas mabuti pa ay magretiro na si Pacman, hindi lang upang ingatan ang kalusugan bagkus ay hindi na “TUMABA” pa ang BIR na nakasahod ang kamay sa likuran.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 20, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home