Saturday, March 17, 2012

POLICE BRUTALITY SA MATALOM, LEYTE

IBINUNYAG ang 16 na parak na mismong operators at may-ari ng mga COLORUM na pampasaherong sasakyan.
O, hindi pa ba SAPAT yan para mapatunayang BULOK ang “operasyon” ng PNP sa bansa.
Hindi pa kasama dyan ang mga GUMAGAMIT ng dummies.


----$$$--
SA MATALOM, LEYTE, isang grupo ng mga pulis ang DUMAMPOT sa isang “inosenteng sibilyan” nang WALANG WARRANT bago BINUGBOG at pinahirapan.
Iyan po ay aktuwal na POLICE BRUTALITY—na dinededma lang ni PNP Chief Nicanor Bartolome.
Hinahamon natin si Director Bartolome na AKSIYUNAN ang reklamong ito lalo pa’t NASA LIBLIB na lugar ang MATALOM—kung saan ABUSADO ang mga parak.
Hindi lang abusado, hindi nila alam ang BATAS at kaawa-awa ang mga INOSENTENG SIBILYAN na kanilang mga BIKTIMA.
Linsiyak.

-----$$$---
ITINAKDA na ng Comelec ang special election sa distrito ng yumaong si Rep. Iggy sa Negros sa Hunyo 2.
Mapapaaga ang PASKO ng mga botante sa Negros.
He, he, he.

----$$$---
PCOS machine din ang GAGAMITIN sa 2013 senatorial at local elections.
Hindi kaya mag-TOP si MIGZ ZUBIRI at maiwan uli si Sen. Koko?

-----$$$---
DUMADALAS na naman ang LINDOL.
Ingat ang MetroManila , baka mag-BIG BANG anumang ORAS.


-----$$$---
PURNADA ang AZKALS sa kamay ng TURKMENISTAN.
Hulaan ninyo kung sino ang NATUWANG PINAY?

-----$$$---
KURSUNADA ng kampo ni Mexican legend Juan Manuel Marquez si Mercito Gesta na labanan sa Hulyo.
Sakaling matuloy, matutupad ang pangarap ni Pareng Anecito na makasabak sa ENGRANDENG KAMPEONATO ang kanyang paboritong anak.
Sa pag-alalay ni Pareng Cito, tiyak patutumbahin ni Mercito si Marquez.
Kahit isang BALDENG IHI ang inumin ni Marquez, mahihirapan siya sa ALAMAT NG MANDAUE.
He, he, he.

-----$$$---
HALOS umabot sa 24 oras bago napatay nang tuluyan ang sunog sa Gotesco Grand Central sa Caloocan City.
Sino kaya ang arsonist?
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, March 18, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home