Thursday, March 08, 2012

Coup d' Etat clue: A blue seal

BIGLANG lumutang ang alingasngas sa KUDETO o banta sa buhay ni PNoy.
Samu’t samut ang paliwanag at kung ano-anong sapantaha at hinuha ang ikinalat ng media.
Pero, wala narinig tungkol sa tunay at eksaktong SALIK o “factor” na dapat maging batayan kung totoong may BANTA sa pag-agaw ng poder sa Malacanang.
Kahit ano ang tukuyin o espekulasyon—ay walang binatnat yan—at pananakot lamang, kapag walang NARINIG ng tinatawag na “AMERICAN FACTOR”.
Kapag ang isang rumor o tsismis ng kudeta ay hindi sangkot ang United States, peke lang yan at hindi totoo.
Walang PAGBABAGO sa gobyerno ng Pilipinas na walang BENDISYON ng White House sa katauhan ng Central Intelligence Agency (CIA).
Mapait na katotohanan yan.
Nagtagumpay ang mga TRAYDOR na Filipino historian na TAKPAN sa kasaysayan ng ating Republika ang PAPEL ng US sa pagpapatalsik kay dating Pangulong Marcos at dating Pangulong Erap.
Mali ang paniniwalang ang PEOPLE POWER ang nagpabagsak kay Marcos.
Ang PEOPLE POWER—ay ginamit lamang na “PAWN” ng US upang mawala si Marcos gamit ang maniobra ng CIA agents.
Ganyan din ang kasaysayan ni Erap, ang US din ang nagpakana upang DUMAMI ang tao sa EDSA DOS—kasabay ng pagtraydor ng NAGPATIWAKAL ng AFP chief of staff na sinasabing NAKARMA nang todo matapos mawala sa poder ang kanyang “nilipatan ng loyalty”.
Ngayon, may ATRASO ba si PNOY sa US para magkaroon ng KUDETA?
Ang sagot ay WALA.
Pwes, walang kudeta.
Period.
Ano ang problema ng US kay Marcos?
Sumobra ang “pagiging STRONGMAN” ni Marcos kaya’t may tendensiya itong KUMONTRA sa US particular ang pagpapaliit sa 25-TAON sa paggamit ng US sa mga military base sa teritoryo ng Pilipinas imbes na 100 TAON—na nilagdaan sa tratado o TREATY.
Nagtanim ng sama ng loob ang US kay Marcos—ayun pinatalsik siya gamit ang “iminaniobrang” People Power.
Ano naman ang atraso ni Erap?
Sapagkat, pinaikli ni Marcos ang panahon ng paggamit ng US sa military bases, isinalang sa SENADO ang PANIBAGONG TREATY—at MASAKLAP na ibinasura ito ng mga SENADOR—isa si ERAP sa mga KUMONTRA sa mga KANO.
Walang ganyang atraso sa US si PNoy, kung gayon walang KUDETA at wala ring banta sa kanyang buhay.
Pwes, tuloy ang HAPPY HOUR.
Alak, alak pa; BLUE SEAL, BLUE SEAL pa.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, March 09, 2012 issue. UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home