Tuesday, March 20, 2012

PACQUIAO RERETIRO NA

ITINAAS na ang MINIMUM na bayad sad yip sa P8.50.
Paktay kang bata ka.

-----$$$---
BATAY sa survey ng PULSE ASIA, 47 percent ang nagsabi na GUILTY si CJ Renato Corona.
O, paano ngayon yan, ano pa ang inaantay ng mga senador?
Uwian naaa, bawiin na ang mga TAYA.

-----$$$---
HINDI isinama sa FARE HIKE ang Region 12 sa Mindanao.
Baka walang DYIP doon, puro BANGKA lang.

-----$$$--
LILIBAN muna sa impeachment trial ang chief defense counsel na si Serafin Cuevas.
Your honor, baka magre-RESEARCH muna siya ng TAKTIKA.

-----$$$---
NAGDIWANG ng ika-100 BIRTHDAY ang isang dating MR. UNIVERSE sa London.
Ang sekreto daw niya ay SIMPLE lang.
Maging KALMANTE at UMOKRAY-OKRAY lang.

-----$$$---
TRAK-TRAK na FLYING REGISTRANTS ang nasabat sa Maguindanao.
Inamin ng mga POBRE ang kasalanan.
Ikinatwiran nila: SAYANG po kasi ang tig-P3,000!!!

-----$$$---
TALAGANG umaamoy na ang 2013 senatorial at local elections.
Marami na kasi ang UMEPAL.
Marami na rin ang NAPAPATAY.

----$$$---

IPINIPILIT ang legislated wage hike na P125 kada araw.
Opps, e . yung bang dating MINIMUM WAGE ay naibigay na?

-----$$$---
NATAPOS na ang TATLONG-ARAW na sunog sa Gotesco Grand Central Mall.
Tatlong ARAW din MALAYANG NAKAPAGNAKAW ang mga kawatan.

-----$$$---
MAGRERETIRO na raw si Manny Pacquiao.
Nalungkot ang ISANG MILYONG AMUYONG.

----$$$---
BINAWASAN ang presyo ng LPG.
Natakot sila sa ULING.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, March 21, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home