Tuesday, March 20, 2012

SUNOG! SUNOG! NAKAW! NAKAW!

UMABOT nang tatlong araw ang sunog sa Gotesco Grand Central.
Pero, sa totoo lang, hindi naman nasunog ang kabuuan ng mall complex bagkus ay marami rin ang maililigtas na produkto.
Ang problema, nagkaroon ng malawakang nakawan sa loob kung saan, isang vault ang sinasabing PINALAKOL.
Sa panahon ng sunog, nananatiling nakabantay ang mga pribadong security guards na dapat managot sa mga NAWALANG PRODUKTO.
Sinasabing ang mga guwardiya din ang pumigil sa mga bumbero na pumasok sa naturang mall kaya’t natengga ang pagsupil sa apoy.
Kung susuriin, may malaki pang bahagi ng naturang mall ay hindi naman nadilaan ng apoy at Malaya ang mga may-ari na magbalik at isalba ang mga kagamitan.
Pero, walang anumang pahayag ditto ang mga awtoridad kung anong KLASE ng batas o DISIPLINA ang dapat ipatupad sa ganitong KLASE ng sitwasyon kung saan maaagrabiyado ang mga maliliit na negosyante.
Dapat, habang nasusunog ang alinmang gusali, ipaubaya ang seguridad sa isang KLASE ng law enforcement agency na may KATIWA-TIWALANG reputasyon.
Hindi rin kasi masisi ang mga security guards sapagkat marami ring kaso na ang mga NAGNANAKAW ay ang mismong mga BUMBERO kaya’t pinigil nila ang mga ito.
Sa ngayon, hindi malinaw kung paano maiaayos ang gusot at sigalot na ibinunga ng TATLONG ARAW NA SUNOG—na hindi naman nasunog ang kabuuan ng gusali.
Ano kayang misteryo mayroon ang sunog sa grand central?
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, March 21, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home