Wednesday, March 21, 2012

TAAL LAKE MAGIGING PUSALI

SOBRANG init ng panahon!
Kung ang mga tao ay nagkakasakit sa tindi ng alinsangan, panganib din sa mga isda ang sobrang temperature kung saan maaaring maulit ang fish kill kung saan milyon milyong lamang-tubig ang napeste.
Nakatuon ngayon ang atensiyon sa Taal Lake na hindi lamang sobrang init ng panahon ang banta bagkus ay ang polyusyon o maruming tubig sa lawa.
Ibinunyag ni Batangas Provincial Environment and Natural Resource Office head Laudemir Salac na sanhi ng polusyon sa lawa ang pagtatapon ng basura at maruming water disposal ng mga pabrika , sabdibisyon at resorts na mula sa mga bayan na nasa paligid ng Taal Lake.
Sa ngayon, bantay-sarado ang Task Force Taal Lake ni pinamumunuan ni Victorv Reyes, provincial administrator, sa mga pabrikang walang maayos na sewerage system at mga villages at resorts na siyang nagpaparumi sa lawa ng Taal.
Sa ginanap na Taal Lake Fishery Stakeholdwers’ Forum, iginiit ni Salac ang pagkakaroon dapat ng regular na ugnayan ng pamahalaang lokal, real state developers, piggery operators at may-ari ng mga pabrika upang masugpo ang polyusyon.
Ibinunyag naman ng pangulo ng Taal Lake Aquaculture Alliance, Inc. (TLAAI) na si Rodrigo Cacao na tutulong sila sa pagbabantay laban sa mga illegal fish cages na pag-aari ng mga Chinese businessmen na nagpaparumi sa lawa.
Matatandaang libo-libong tonelada ng mga isda ang naapektuhan ng fish kill sa nakaraang taon sanhi ng sobrang bilang ng polyusyon sa tubig kaya’t tumulong sila na baklasin ang mahigit 8,000 illegal fish cages kung saan naiwanan na lamang ang 6,000 fish cages na sapat lamang sa lawak ng Taal Lake.
Anu’t anuman, dapat ay maging responsible ang mismong fish cage operators na bantayan ang sariling hanay at ireport agad ang “overstocking” at sobra-sobrang bilang ng illegal fish pens na siya mismong NAGPARUMI sa lawa na naging sanhi ng fish kills.
Ang lawa ay hindi dapat abusuhin ng tao, dahil kapag hindi iningatan--- magiging burak at pusali ito pagdating ng panahon.
(EDITORIAL, , Bulgar newspaper, March 22, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745 ).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home