Thursday, October 04, 2012

MARTIAL LAW (1972-1981): MAY MALAYANG PAMAMAHAYAG

NAKATATAWA talaga ang Pinoy.
Sa katindihan ng batikos sa Pamilya Marcos, sinasabi nila na MASAMA ang pagkandidato ng magkakamag-anak, pero ngayon—yung mga bumabatikos, nagsipagsumite na rin ng kandidatura ang magkakamag-anak.
Iyan ang sinasabi natin na ang Pamilya Marcos ay biktima ng PROPAGANDA ng kanilang mga kritiko.
Unti-unti nang lumilitaw na hindi TOTOO      ang mga negatibong paglalarawan sa Batas Militar.
Ang sinasabi nilang MALI noon, ay napapatunayang TAMA ngayon!

-----$$$-
WALANG iniwan ito sa  “alam ng mga kabataan sa ngayon” na naimpluwensiyahan  ng PROPAGANDA ng mga anti-Marcos ay BAWAL daw ang pago-organize ng mga protesta, rally at demonstrasyon sa panahon ng Martial Law.
Hindi po totoo yan.
Ang inyong abang-lingkod ay nag-aaral ng Bachelor of Science in Mechanical Engineering sa Feati University sa pagitan ng 1975 hanggang 1979.
Alam ba ninyong ARAW-ARAW ang demonstrasyon noong sa Feati Campus?
Ang mga taga-MLQU ay dumadayo pa sa tabi ng gate ng Feati para magsanib ng puwersa.
Ang 4-storey building ng FEATI ay dati-rating walang “steel matting” ang mga bintana .
Sa panahon iyong, sa katindihan ng demonstrasyon sa loob ng campus—ay binabalibag ng mga nagpoprotestang estudyante ang mga silya o upuan na yari sa kahoy paibaba sa quadrangle kung saan nagtatalumpati gamit ang megaphone ang mga militanteng aktibista.
Noong 1975-1976 ay first year pa lang ako at pang-MORNING session ang kinuha kong mga subjects.
Karaniwang hindi naaapektuhan ng magulong “rally” ang morning session kaya’t nakararaos kami nang walang “cancellation of classes” sa katindihan ng protesta.
Nagsisimulang mag-ipon-ipon ang mga nagpoprotesta makapananghalian o dakong 12:30pm,. Unti-unting maiipon ang mga estudyante hanggang sa rumurok o tumodo ang dami ng nag-uusyoso dakong 4:00 at 5:00pm na aabot na hanggang gabi.
Karaniwang kanselado ang mga klase sa bandang hapon—at siyempre, madadamay na rin ang EVENING SESSION.
Noong taong 1978- 1979—ay nagpasya akong mag-SELF SUPPORTING nang makapasok akong TEAM leader ng Tax Mapping Team sa Provincial Assessors Office sa Malolos, Bulacan kaya’t pang-EVENING session ang pinili ko.
Matapos ang 5:00pm na trabaho ko sa Kapitolyo ng Malolos ay bibiyahe ako sakay ng Philippine Rabbit Bus hanggang Recto Avenue upang mag-aral dakong 6:30 to  7:00pm sa Feati.
Sa panahong iyon, ginagawa pa lamang ang LRT station at pagdating ko sa Feati ay inaabutan ko ang nagkalat na upuan at mga TSISMIS ng kaguluhan sa campus.
Ito ay isang aktuwal na PATOTOO (na maaari ninyong itanong sa mga magulang ninyo) na isang KASINUNGALINGAN na BAWAL ang PROTESTA, RALLY at  demonstrasyon sa panahon ng Martial Law—1972 hanggang 1981.
Sa totoo lang, sa kasaysayan ng Pilipinas—ang pinakamaraming bilang ng DEMONSTRASYON, piket o rally ng mga estudyante at OBRERO o “labor protest”—ay naganap sa mga panahong iyan.
Hinahamon ko ang mga kritiko ng Martial Law na patunayang MALI—ang datos na ito.
Buhay pa sa kasalukuyan ang mga SAKSI sa mga binabanggit nating ito.
Sige, magsalita kayo.
Sa panahon ng Batas Militar (1972-1981), mayroon tolerance sa PAMAMAHAYAG ng mga estudyante at mga OBRERO.
Hindi totoo ang PANINIRA—na bawal ang mag-organize o mag-PROTESTA ang mga estudyante at manggagawa sa panahon ng Batas Militar.
Isang malaking kasinungalingan iyan.
(BISTADO ni Ka Ambo column, Bulgar Newspaper, Oct. 05, 2012 issue. UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272/ bistadoniambo on twitter.)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home