Thursday, October 04, 2012

PAANO MANALO SA ELEKSIYON (kahit walang datung)?


TULIRO na ang mga kandidato.
Pinaaga ang pagsusumite ng certificate of candidacy.
Ibig sabihin, opisyal nang kandidato ang mga nag-file ng COC.
Sa ayaw o sa gusto ng Comelec, magsisimula ang kampanya sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno.
Mapipigil ba ng Comelec na magpasyal ang mga kandidato sa mga kamag-anak, kaibigan at mga kababayan?
Mapipigil ba ng Comelec ang libreng tsibog, painum o blowout upang makumbinse ang botante?
Mapipigil ba ng Comelec na magpaimprenta ng propaganda materials upang matandaan ang pangalan ng kandidato?
Mapipigil pa ng Comelec na gamitin ng kandidato ang diyaryo, radyo, telebisyon at internet?
Walang duda, aktuwal na magsisimula ang kampanyahan.
Masuwerte ang mga kandidatong may sobra-sobrang “dirty money”—hindi sila manghihinayang na ubusin ito sapagkat ninakaw at hindi nila ito pinaghirapan.
Ang kaawa-awa ngayon ay ang mga tunay na kandidato na ang gagamiting panggastos ay mula sa kanilang inipon o pinagpaguran sa nagdaang panahon.
Ang mabigat ay makatapat ng isang kandidato na may “clean money” ang isang karibal na may “dirty fund”.
Mauubos ang pinagpaguran ng pobreng “matinong kandidato” at pagtatawanan lang siya ng “hoodlum na kandidato” na hindi nauubusan ng salapi.
Ang tanong: May garantiya ba sa eleksiyon na laging panalo kung sino ang may PINAKAMARAMING SALAPI?
Ang sagot ay isang MALAKING HINDI.
Alam naman natin na NATALO ang No.1 millionaire sa Kongreso ng Pilipinas sa nagdaang 2010 presidential  election.
Ebidensiya ito na hindi lahat ng MARAMING PERA ay laging nananalo sa eleksiyon.
Sa mga lalawigan, natatalo rin ang MAYAYAMAN, yun nga lang, makaraang ang halalan, marami ang isina-SALVAGE at sinisisi ang mga biktima na NAGTRAYDORa dahil hindi tumalab ang kanilang salapi.
Ito ang tandaang ninyo: MAHALAGA ANG SALAPI, pero hindi ang SALAPI ang PINAKAMAHALAGA sa eleksiyon.
Ang pinakamahalaga pa rin ay TAKTIKA, estratehiya, diskarte at matalinong pagdedesisyon.
Kapag ang maraming salapi ay napasakamay ng BOPOL na kandidato, matatalo lang yan sapagkat hindi sila marunong GUMAMIT ng epektibong taktika.
Kahit kakaunti ang campaign fund ng isang kandidato, maari pa rin siyang magwagi pero kailangan niya ang MASINOP na taktika, matalinong desisyon at madidiskarteng tauhan.
Pinakamahalagang taktika ay ito: Kailangang “makikilala mo o makabisado” ang diskarte ng kalaban.
Kumbaga sa “Art of War” ni Sun Tzu, kapag “KILALA MO ANG KALABAN, KALAHATI  ng giyera ay NAIPANALO mo na”.
Ibig sabihin, masusing monitoring o paga-analisa ng taktika ng kalaban ang dapat matutuhan ng mga kandidato nang sa gayon—ay MASOLUSYUNAN o masagot agad ang atake ng katunggali.
Ito ang dahilan kung bakit nagtatanim ng “SPY” ang mga kandidato at namboboso ang mga mahuhusay na kandidato laban sa kanilang katunggali.
Dyan nasabit si dating US president Richard Nixon nang i-wiretapped nila ang WATERGATE—kung saan ay nagwagi siya sa election, pero nag-resign matapos masalang din sa isang “impeachment”.
Ang election ay isang napakagandang SINING, pero kapag napikon ang mga MAYAYAMANG kandidato---tanging solusyon nila ay ima-MASAKER ang mga sagwil sa kanilang ambisyon, tulad sa nasaksihan natin sa nagdaang MAGUINDANAO MASSACRE 2010.
(EDITORIAL  ni Ka Ambo column, Bulgar Newspaper, Oct. 05, 2012 issue. UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272/ bistadoniambo on twitter.)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home